Chapter 116:Basketball Game

373 14 191
                                    

P.s fastforward tayo sa day 3 ng sportsfest:)

Darren's Pov
Nakasuot na ko ng basketball jersey kasi malapit na yung game namin,hinahanap ko yung mga babae ngayon kasi gusto ko silang kausapin,si seth naman naiwan dun sa waiting area kasama nung dalawang mokong.

Walang balak makipag ayos,pare parehong mapride at pabebe,edi kami ang gagawa ng paraan kasi bilang mga kaibigan nila,naapektuhan din kami at di namin gusto yung nangyayari sa kanila.

Pumasok ako sa cafeteria nang makita ko dun si ac na suot suot pa din yung cheerleading attire niya habang nakaupo at nakatulala pa

"hey"sambit ko at umupo sa harap niya
"why are you here?"tanong niya
"bakit bawal ba? by the way napadaan lang ako pero nakita kita kaya samahan muna kita kasi kawawa ka naman,lonely ka dito haha"sambit ko na may halong pang aasar pero tinanguan niya lang ako
"luh tango lang? this is the first time na di ka nangbara ah...sabagay bakit pa nga ba ko magtataka"natatawang sambit ko
"i not on the mood for jokes darren"walang emosyong sagot niya
"kahapon ka pa wala sa mood,kung masama loob mo pwede mo sakin ilabas para gumaan yang loob mo"sambit ko
"diba dapat nagpeprepare ka na din katulad ng tatlong mokong kasi malapit na magsimula game niyo oh"pag iiba niya ng usapan
"di na kailangan,i think enough na yung pagpapractice namin ng ilang linggo di naman din ako katulad nung mga mokong yun na seseryosohin masyado yung laro...eh ikaw bakit mag isa ka? nasaan sila chin?"tanong ko
"nagpapalit ng damit"tipid na sagot niya
"eh ikaw bakit di ka pa magpalit?"tanong ko
"tinatamad ako eh"sagot niya na kinatawa ko
"wow nice ganda ng dahilan mo"sarkastikong sambit ko

Sa pangalawang pagkakataon,tinanguan niya lang ulit ako.Hays,nakakapanibago kasi hindi ganto tong babaeng to,makulit to at maingay pero ngayon wala na,kahapon pa yan walang imik at laging nakatulala.T*nga mo kasi ken! sarap niyong hambalusin ni kyle

Buti kami ni seth umayos na,hay bilog talaga ang mundo.Dati silang dalawang yung masaya at madiskarte sa lovelife tapos kami naman ni seth ang style bulok pero nagkabaliktad naman ngayon,sila namang dalawa yung naging t*nga.Nung sila masaya,kami naman yung sawi tapos ngayong kami yung masaya,sila naman yung sawi, kailan ba kami magkakasalubong haha....hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami lahat,yung walang napag iiwanan...magtiwala na lang tayo kay author hahaha,di naman sumisira ng tiwala yan hahaha.
(makakaasa ka...kayo😂)

"kahapon ka pa tahimik,walang imik,wala sa focus...mukhang di mo pa naiilabas yang sama mo ng loob kasi tinanong ko si erika at sabi niya di ka daw nagsasabi sa kanya,di maganda pag tinatago mo,mas lalo ka lang mahihirapan kasi iisipin mo nang iisipin...pwede ka magsabi sakin,sakin mo ilabas yang sama ng loob mo,i'll be here to listen kaya sige na,ilabas mo na yang isang araw mong kinimkim"sambit ko at pasimple naman niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.
"a-angsakit sakit kasi"sambit niya na pinipigil umiyak
"how can he do this to me? how can he hurt me like this? did i do such thing to deserve this pain he caused me?"sunod sunod na tanong niya na nagsisimula nang maging emotional

Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya,gusto kong mailabas ni ac lahat para gumaan na yung loob niya.Dapat si ken nagcocomfort at nag aalaga dito pero siya pa mismo ang dahilan kung bakit nasaktan si ac,haysss

"puro siya selos,pinapairal lagi yung galit,okay lang naman yung magselos pero sobra na kasi,to the point na nasasaktan niya na ko... tiniis ko naman lahat,kahit nasasaktan na ko pinilit kong lumaban para samin kahit sobrang sakit na kasi mahal ko siya,kahit paulit ulit nang sinasabi na isip ko na pagod na ko,ayoko na,itigil ko na to pero ayokong gawin kasi hindi ko kaya...kahit ilang beses pang sabihin ng isip ko na tama na, wala pa ding panama sa puso kong palaging sinasabing konting tiis pa"sambit niya at nagpunas ng luha

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now