CHAPTER 8

2 0 0
                                    

MAD

Maria Dana's POV

Pagdating ko sa bahay ay wala sina mommy. Busy sila sa company kaya pinasundo na lang ako sa family driver namin.

"Hello po, manang." Bati ko sa aming kasambahay pagkapasok ko sa loob.

"Magandang hapon, ma'am. Meron po ba kayong gusto kainin? Ipaghahanda ko po kayo."

"Ahmm, wala po. Sige punta na muna ako sa kwarto ko."

Pagpasok ko ng kwarto ay diretsong humiga ako sa kama. Mula kanina di na ako mapakali. Nakonsensya rin ako sa sinabi ko kay Devere. Di ko naman sinasadya yun. Sana inalam ko talaga kung anong nangyari.

Dumating ang hapunan ng wala pa rin sina mommy. Minsan na nga lang sila nandito at minsan lang rin kami nakakapagsabay sa hapag-kainan pero busy naman sila. I understand. Para rin naman yun sa company.

Pagkatapos ko kumain ay nakatulugan ko na rin ang pag-iisip.

Paggising ko ay wala na rin si mommy at daddy. Meron daw meeting sa company. Past few days ganito na sila. Ni hindi ko na sila naaabutang gising. Pagkatapos kong maligo at kumain, nagpahatid na rin ako sa aming driver papuntang school.

Hindi ko na hinintay si Sophia sa baba. Umakyat na ako sa aming room at pagdating ko ay tamang tama na kakaupo rin ni Devere. Nakita kong papasok siya ng room at bagong upo lang.

Pag-upo ko sa tabi niya ay tahimik akong sumusulyap sa kaniya. Naka-earphones ito at parang may pinapakinggan. Hindi niya tuloy ako napansin.

Umubo ako para makuha ang atensyon niya. Di naman ako nabigo dahil lumingon ito sa akin.

"What?" Tanong niya.

"Sorry pala kahapon sa...." Di na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Forget about it. Wala ka namang alam. Kaya tumahimik ka na." Sabi nito at ibinalik ang kaniyang earphones.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na siya kinulit pa at baka hindi na niya ako pansinin.

"Ang aga natin ah. Anong meron?" Nabigla ako dahil sa nagsalita sa gilid ko. Tulala ako umpisa nang sabihan ako ni Devere.

Paglingon ko ay nagtatakhang mukha ni Sophia ang bumungad sa akin.

"Ahh, Wala naman. Napa-aga lang yung pag-alis ko sa bahay. Wala na naman sina mommy. Ilang araw na ito ang aking naaabutan tuwing umaga at gabi."

"Hmm... Hayaan mo na sis. Para naman yun sa company niyo, hindi ba?"

Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kaniya.

Pagdating ng rehearsal ay naunang umalis ng room si Devere. Galit ata sa'kin. Humingi naman ako ng pasensya kanina sa kaniya pero di rin naman niya ako pinapakinggan. Sumunod na ako papuntang gym.

Pagkarating ko ng gym ay nakikita kong naiinip na siya kakahintay. "Andito ka na pala. Saan ka galing? Ang tagal mo. Mag-uumpisa na Ang practice. Kabagal maglakad." Sabi nito.

"Ano bang problema mo, Devere? Humingi naman ako ng pasensya sa'yo ah! Di mo naman ako pinakinggan kanina."

"I don't want your sor-" Di nito natapos ang sasabihin ng lumapit sa amin si Ms. Aguinaldo.

"Is there anything wrong? Naririnig ko kayong nagkakasagutan. What's the problem?" Napataas ang isang kilay ni ma'am at pabalik balik ang tingin sa amin ni Devere. Matalim ko ring tinignan si Devere.

"Ahmm... Wala po ma'am. Nag-aasaran lang po kami." Pagdadahilan ko at pinandilatan si Devere. Inilibot nito ang mata sa akin. Suplado.

"Okay. Pumunta na kayo sa inyong pwesto at mag-uumpisa na tayo." Sabi ni ma'am at nauna na akong pumunta. Nakakaasar.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin