CHAPTER 13

0 0 0
                                    

CONFUSED FEELINGS


MARIA DANA'S POV

Pagkatapos naming magcelebrate sa pagkapanalo namin ay umuwi na rin kami agad.

Buong Gabi ay di ako makatulong kasi ba naman, naiisip ko yung mga sinabi sa akin ni Devere. Ramdam kong seryoso siya sa kaniyang sinasabi pero natatakot ako. Natatakot akong mahulog sa kaniyang mga salita. Ayokong paniwalaan pero yung puso ko ay iba ang dinidikta. Due to frustration, I just only took a deep breath.

Bumaba na ako para makapag-almusal. Nakahanda na lahat sa mesa at umupo na ako para kumain at makapasok na sa eskwela. Balik sa normal na lahat. Mayroon na kaming klase dahil 3-day lang naman ang school fest namin. Kailangan nang bumalik sa mga klase dahil papalapit na rin ang pagsusulit namin kaya kailangan naming humabol sa mga araling hindi namin nakuha.

Nakaligo na at nakabihis na rin ako at handa na pumasok. Dumiretso na ako ng sasakyan at nagmaneho na si manong papuntang school.



Habang nasa byahe ramdam ko ang antok dahil di ako nakatulog ng maayos kagabi. Good luck sa akin mamaya pagpasok.

"Ma'am, andito na po tayo." Pagtingin ko sa labas ay andito na pala kami sa school. Di ko na namalayan.

"Salamat po. Sya nga po pala. Huwag na po ninyo akong sunduin mamaya. Mayroon po kasi akong pupuntahan." Saad ko.

"Sige po. Ma'am."

"Okay po. Salamat."



Pumasok na ako at dumiretso na sa aming room. Parang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko si Devere na andyan na. May sinusulat siya kaya hindi niya ako napansin na pumasok.

"Hey! Dana. Anong tinatayo mo dyan? Para kang nakakita ng multo." Napatingin ako kay Pia ng nagsalita ito. Paglingon ko ulit kay Devere ay nakatingin na ito. Umiling nalang ito at bumalik sa ginagawa niya. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at hindi na siya nilingon. Hindi na talaga ako mapakali simula nung may nangyari sa pagitan namin.


Ms. Gonzales arrived and announce na dapat naming habulin ni Devere ang mga lesson na kailangan naming pag-aralan. I just nod and said yes to Ms. Gonzales. While this seatmate of mine don't mind what Ms. Gonzales said.

Nakinig nalang ako sa klase at naging normal naman ang umaga ko. Di nga lang kami nagpapansinan ni Devere. And wait, I don't care if he doesn't even talk to me.


Morning class dismissed at andito kami sa cafeteria kumakain, wala ako sa sarili habang sinusubo ang kinakain ko. While I'm in class earlier, kahit na di ko siya tinitignan, nawawala ako sa sarili. Ewan ko ba, simula ng sinabi ni Devere ang mga bagay na yun ay di na siya maalis sa isip ko. Aaminin ko, mayroon akong nararamdaman sa kaniya nung una pero pinipilit ko yung iwaglit at baliwalain dahil alam kong masasaktan lang ako. Pero heto ako ngayon, iniisip siya.

"Dana. Are you okay? You're spacing out. Is there any problem?" Nag-aalalang tanong ni Ethan.

"A-ahh, w-wala. I'm just thinking something." Pagdadahilan ko.

"Oh. Okay. Eat your food, then. It's getting cold already." Sabi niya.

Inumpisahan ko nang kainin ang pagkain ko ng lumapit sa'kin si Pia at bumulong.

"Just thinking something, huh? Sino yon?" Bulong niya. Nang-aasar niya akong tinignan. Matalim ko siyang tinignan at tinawanan niya lang ako. Saka ko nalang sasabihin sa kaniya kung kaming dalawa na lang. I don't want others, especially Ethan heard it.





Pagkatapos kumain, napag-isipan kong maglibot sa Campus. Tutal mayroon pa kaming 1hr break dahil mayroong urgent meeting ang mga teachers kaya maaga ang dismissal namin.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now