CHAPTER 28

0 0 0
                                    

CAUGHT


MARIA DANA'S POV

"Anong ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Sophia. Nagpapapak ng spicy chicken.

"Hmmm. Simula noong umamin siya sa akin ay nagkikita na kami. And for me, we're not official kasi hindi niya rin kinaklaro kung ano talaga kami.  Kaya iyon ang masakit. Pero he's giving me a peace everytime we're together. May hindi siya sinasabi sa akin na nakakapagpabagabag sa isip ko. He told me that I'll just trust him. Pero hindi pa rin ako mapakali." Nakikinig lang ito sa akin habang kumakain. Si Gavin ay nasa kusina at naghahanda ng lulutuin.

"Dana. It's just a friendly reminder, okay? You can leave him kung nasasaktan ka na. Dana, I'm just worried about you. Lalo na't may girlfriend yung tao. Base sa narinig ko, hindi ka maayos. You don't fully understand each other. Siya naman ay hindi nagsasabi ng gusto mong malaman. You just hurt yourselves if you will continue it. You should keep a distance from each other. Who knows, baka kayo rin sa huli. Hindi naman natin masasabi iyan. Pero, malay mo naman hindi ba?" Ibinalik nito ang tingin sa TV habang sarap na sarap sa kinakaing maanghang.

Napansin ko ang maumbok nitong tyan.

"Ilang months na pala iyan?" Nakita nitong nakatingin ako sa tyan niya.

"Ahh ito? Malapit na mag five months this coming Feb." Malapit na rin pala ang isang 'to manganak.

"Malapit na ah. Is it a boy or girl?" Tanong ko.

"We still don't know. Next month baka pwede na naming malaman. I wish it's a boy. Tapos kamukha ni Gavin." Kinikilig pa ito.

"What did you say babe?"

"Wala. Ang sabi ko ang panget mo. Doon ka na nga sa kusina. Naiirita ako sa mukha mo." Asar na sabi ni Sophia at tinawanan lang ni Gavin. Imbes na bumalik sa kusina ay lumapit ito sa kaniya at niyakap sa bewang at hinalikan sa pisngi. Parang walang ibang tao ah. Kahiya naman.

"I love you babe. Halata naman na kamukha ko ang baby natin. Palagi kang naiinis sa akin eh." Pang-aasar ni Gavin.

Ngumuso ito at ibinalik sa TV ang tingin. Nakangiwi na lang ako habang tinitignan siya.

"She's like that. She's moody when it comes to me." Natatawa ito at napapailing habang naglalakad pabalik sa kusina.

"Hoy! Bakit mo naman sinusungitan si Gavin." Suway ko sa kaniya.

"Ewan ko. Naiinis ako dyan sa pagmumukha niya." Napakamot na lang ako sa ulo ng pumapak na naman siya ng spicy chicken. Huwag sanang sumakit ang tyan nito.

Kahit nakakahiya dahil alam ko namang kapos sila sa pera ay wala na akong magawa ng inaya nila akong kumain sa kanila. Binulungan ako ni Gavin na pumayag na dahil baka magwala na naman si buntis. Mahirap na. Napailing na lang ako.

"Salamat sa hapunan. Mauna na ako at baka gabihin pa ako. Ingatan mo si buntis, Gavin." Paalala ko.

Natawa kami ni Gavin ng magreact si Sophia. Ang cute talaga.

"Sige, Dana. Gusto mong ihatid kita?"

Ngumiti ako at umiling. "No need. Samahan mo na lang iyang asawa mo. Baka mapa'no pa."

Nakita kong namula si Sophia. Natawa na lang ako.

"Okay. Mag-ingat ka. I-text mo na lang kami kapag nakarating ka na."

Tumango ako. "Bye Pia. Alagaan mo ang pamangkin ko ha. At ikaw, Gavin. Alagaan mo sila."

"Yes ma'am." Tumawa ito.

"Sige na. Mauna na ako."

Ilang minuto lang akong naghintay ng masasakyan at nakapara na rin ako. Kumaway ako sa kanila bago kami makaalis.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now