CHAPTER 17

0 0 0
                                    

FIGHT

MARIA DANA'S POV

"Yieeeee, kinilig ka rin ano? Alam mo boto ako diyan kay Ethan." Bulong niya.

Di ko na napigilan kagabi at nasabi ko sa kaniya kung ano ang mga sinabi sa akin ni Ethan. Kaya Ayan, nang-aasar na naman.

"Ewan ko sa'yo, Sophia. Ang aga-aga mang-aasar ka lang. Sana di na lang kita sinundo sa inyo." Sabi ko na matalim siyang tinignan. Ang family driver pa rin namin ang naghatid sa akin. Nakisuyo ako kung pwedeng sunduin muna namin si Sophia bago pumunta ng school. Ang parents niya kasi ay may emergency sa company nila at wala rin ang kanilang driver.

"Good morning, Dana." Sabi ng kung sino sa likuran ko. Paglingon ko ay si Ethan.

"Speaking of Ethan. Andyan na siya." Bulong ni Sophia sa akin. Siniko ko siya ng palihim at tinignan ng malalim. Natawa lang ito.

"Hey! Good morning din Ethan." Nginitian ko ito. Kasama nya ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Andito pala kami sa cafeteria at may binili lang.

"Dana. Thank you pala kahapon. I didn't expect you to agree with my plan." Nahihiya niyang sabi at napayuko. Nakita kong namula naman siya.

"Wala lang yun." Sabi ko nalang.

"Wait. Lumabas kayo ng dalawa lang?" Nagtatakang tanong ng kaibigan niyang si Darwin.

"Yeah." Casual na sabi ni Ethan.

"Oh, bro. Iba ka talaga." Mahinang sabi nito at nang-aasar. Narinig ko naman yun.

"Shut up, Darwin." Madiin at mahinang sabi ni Ethan.

Narinig kong may tumikhim. Paglingon ko ay nagulat ako na si Devere iyon.

"Even here? Maglalandian kayo? Go somewhere else, where no one couldn't see you. Tss." Bulong nito at nilampasan kami. Nakita kong napatingin ito sa akin at tumingin ng madiin.

Saan ang girlfriend niya? At saka, anong pake niya sa ginagawa namin. At hindi kami naglalandian! Tsk!

"What's your problem, dude? We're just talking. Kung naglalandian kami bakit may mga kasama kami? And, It's none of your business!" Madiin nitong sabi kay Devere. Nabalik ako sa wisyo ng maramdaman kong natigil si Devere. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong nag-igting ang kaniyang panga. Nakita ko pang nagkuyom ang kaniyang kamao. Shit!

Humakbang siya pabalik sa amin. Napatili ako ng inambahan nito ng suntok si Ethan.

"H-hoy! Tama na yan! Devere! Stop it. Walang ginagawang masama si Ethan sa'yo! Ano ba Devere!" Tulak ko sa kaniya palayo kay Ethan.

Nang makalayo na siya ay inalalayan kong tumayo si Ethan. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

"What you're thinking, huh?! Bakit mo siya sinugod ng basta-basta?! Anong problema mo Montejo?! Nag-uusap lang naman kami tapos magsasalita ka lang ng kung ano-ano! Kagaya ka lang ng girlfriend mo!" Madiin kong sabi. Nandilim ang kaniyang mga mata pero hindi ako magpapatinag. Wala kaming ginagawang masama kaya bakit siya nagkakaganyan?

Matalim ko pa rin siyang tinignan. Tinignan ko si Ethan at nakita kong dumudugo ang kaniyang labi.

"Are you okay? Let's go to the clinic. Sasamahan kita." Nag-aalalang tanong ko. Bago pa siya magsalita ay pinigilan ko na. "Huwag ka na ring umangal at baka dagdagan ko pa yan." Pagtataray ko. Mahina siyang natawa at sumunod na lang. Bago kami umalis ay nilingon ko muna si Sophia.

"Sophia. Dalhin ko muna si Ethan sa clinic mauna ka na sa room." Paalam ko. Tumango lang ito. Nilingon ko pa si Devere at matalim na tinignan. Nakita kong nakakuyom pa rin ang kaniyang kamao at nakatingin sa amin ni Ethan ng madiin.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now