CHAPTER 21

2 0 0
                                    

A NIGHT WITH HIM

MARIA DANA'S POV

"Nabubusog talaga ako kapag libre yung pagkain. Okay lang pala na asarin mo ako lagi. Para mayroon akong libre pag-uwi." Pagpaparinig nito at malaki pa ang mga ngiti. Napangiwi na lang ako at itinuon sa labas ng bintana ang tingin ko.

Malapit na kami sa bahay. As usual, mas mauuna akong bumaba kaysa kay Sophia.

"Dito na lang kuya. Ito po ang bayad ko." Sabay abot kay kuyang driver.

"Eh sa akin Dana? Nasaan na? Kala ko ba libre?" Napapikit ako dahil sa inis. Huwag ko nang aasarin to. Namimihasa sa libre.

Binigyan ko siya ng pera. At aba! Ang babaita ay nakahandang kunin ang pera. Nakadipa na talaga ang palad niya para kuhanin ang pera. Padabog kong inabot sa kaniya at lumaki naman ang ngiti ng bruha.

"Ayan na. Bababa na ako. Sige kuya, salamat po. Pakiuwi sa kanila yung kaibigan ko po. Baka saan na naman pumunta." Sabi ko at bumaba na.

Narinig ko pang umangal ito ng isinirado ko ang pintuan ng taxi.

Nang mawala na sa paningin ko ang kotse ay pumasok na ako sa loob at nakita ko si manang Sally galing sa garden.

"Hello po. Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko.

"Wala iyon iha. May tinignan lang ako. O siya, pumasok ka na at maggagabi na rin. Para makapagpahinga ka muna." Sabi nito.

"Where's mom and dad, manang?" Tanong ko ng makapasok ng bahay.

"Wala pa sila. Baka maya-maya ay dadating rin ang mga iyon." Sagot ni manang habang may nililinis na kaunting kalat sa sofa.

"Andito po ba sila kanina?" Napatingin ito sa akin.

"Ahh, oo. Umalis lang sila dahil may biglaang meeting daw sila." Sagot ni manang at bumalik sa ginagawa.

"I'll just go upstairs manang. Magbibihis lang ako." Pagpapaalam ko.

"Papadalhan ba kita ng makakain?"

"Huwag na po. Kumain po kami ni Sophia bago umuwi."

"Sige kung ganoon. Tumaas ka na para makapagpahinga ka." Sabi nito habang abala sa ginagawa.

I didn't answer and instead I go upstairs baka maistorbo ko pa siya dahil madami din ang ginagawa niya. Ayoko naman na matigil ang gawain nila. Baka kagalitan sila ni mom.

I just changed my clothes and sat on my bed. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng message.

From: Sophia
I just got home.

She informed.

To: Sophia
That's good. Akala ko gumala ka na naman.

Napangiti ako ng maisip na mapipikon na naman siya.

From: Sophia
Hindi kaya ako gumagala. I'm outside when I'm with you. And of course, with Gavin. Nakakatamad kayang lumabas ng mag-isa.

Kunwari pa siya. Tsk.

To: Sophia
Sabi mo eh.

I waited a couple of minutes. She didn't reply. Baka may ginagawa. Hinayaan ko na.

Bumaba muna ako. Wala naman akong ginagawa. Nang pababa ako ng hagdan ay nakita kong pumasok sina mommy at daddy mula sa pinto. Sinalubong ko sila ng yakap.

"Nakuu, ang anak namin. Anong meron at naglalambing." Tanong ni mom. I chuckled. Maybe, she thought I want something.

"Wala naman mom. Bawal ba na maglambing sa inyo?" Habang nakayakap pa rin.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now