CHAPTER 12

0 0 0
                                    

WIN OR LOSE?

Maria Dana's POV

Nakauwi na kami at nakakapagod ang buong araw. Lalo na ang mga nangyari. Yung mga sinabi ni Devere at yung ngiti niya ay di ko malimutan. Ugh... Dana. Stop thinking of him.

Nabalik ako sa sarili ng tawagin ako ni manang Sally.

"Nak. Pumunta ka muna sa taas. Tatawagin nalang kita kapag nakahanda na ang pagkain."

"No need manang. Huwag ka nalang magluto. Alam kong pagod ka rin. Mag-oorder nalang ako para sa hapunan natin."

"Sige iha. Ikaw bahala. Aayusin ko nalang yung lamesa para kapag dumating na ang pagkain ay nakahanda na ang hapag-kainan."

"Sige po. Salamat talaga sa pagsama sa akin buong araw." Ngumiti ako rito.

"Ano ka ba. Walang kaso sa akin. Para na rin kitang anak. O sya, tumaas ka na at ako'y maghahanda na." Saad nito.

Ngumiti ako at tumaas na sa aking kwarto.



Pagpasok ko ng aking kwarto ay dumiretso na rin ako ng banyo para makaligo. Nag-order muna ako bago pumasok ng banyo. Pagkatapos ng halos 30 mins ay lumabas na rin ako. Habang nagpapatuyo ng buhok, binuksan ko muna ang TV. Di kalaunan, ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na si mommy ang tumatawag. Sinagot ko ito.

"Hello mom." Saad ko pagkasagot ng tawag.

"Hello anak. How are you? How's your competition?" Mom ask. Naka video call kami.

"It's okay mom. Manang Sally accompany me at school. Bukas pa namin malalaman kung sino ang mananalo kaya sasamahan ako ulit ni manang Sally."

"Oh. It's good. Good luck baby. I know you did your best. We're sorry if we can't be able to watch your competition. Babawi kami sa iyo sa susunod." Saad nito.

Napangiti nalang ako sa sinabi ni mom. They always said that. Sinasabi nilang babawi sila pero hindi naman nangyayari. Busy sila parati sa business. Di naman ako nagrereklamo. Iniintindi ko naman.

"Okay mom. I know, you two are busy with the business. There are lots of time that we can bond. Take care mom and dad. I miss you already." Saad ko habang may maliit na ngiti sa mga labi.

"Don't be sad, baby. We're there very soon. Konting tiis lang. Magkakasama ulit tayo." Saad ni dad.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ng may kumatok.

"Iha. Andyan na yung pagkain. Bumaba para makakain ka." Saad ni manang Sally.

"Sige po. Susunod na po ako. Magpapaalam lang ako kina mom."

Tumango ito at bumaba na. "Mom, dad. Ibababa ko na muna ang tawag. Kalain muna ako. Ingat kayo dyan. I love you."

"Sige baby. Kumain ka na at magpahinga. We love you too." Saad ni mom.

Pinatay ko na ang tawag at bumaba na para kumain.




Pagkatapos kong kumain ay bumalik na rin ako sa kwarto ko. Sumandal ako sa aking headboard at nanonood ng kdrama. Ang Happiness na kdrama ang aking pinapanood.

Habang nanonood, sumagi na naman sa isip ko ang sinabi ni Devere.

I am jealous of Ethan

Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya sa akin. I don't know if it is true. Pero ramdam kong seryoso siya sa kaniyang sinasabi. At naiisip ko din ang sinabi ni Sophia sa kaniyang nakikita kay Devere noong oras na sumasayaw kami.

Malalim ang iniisip ko ng may kumatok naman sa pintuan ko.

Pagbukas nun ay bumungad sa akin ang isang kasambahay namin na si Denise.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now