CHAPTER 32

0 0 0
                                    

GIVING A CHANCE

MARIA DANA'S POV

After we talk, I eventually went inside my car. I can't process his words in my mind. Yung inamin niya at lahat lahat ay parang di ko kinakaya. Or maybe I am just denial dahil hindi ko maproseso ang lahat ng kaniyang sinabi sa isip ko.

Pagdating ko kanina sa bahay ay pinaayos ko na lang kina manang ang dala kong pagkain at dumiretso sa aking silid. I feel my heart is beating so fast. Don't let yourself be fooled again by him.

"Bakit ka tulala dyan? What happened?" Bulong ni Gayle sa akin. I glare at her since I'm afraid that our terror prof will caught as talking instead on listening to his discussion.

"Just listen to the discussion, Gayle. Huwag kang chismosa." Bulong ko sa kaniya. May sinabi pa siya pero hindi ko na inabala pa.

"Okay class for the next 2 days we're having a seminar, so technically we don't have any classes. You have 4 days rest in total. Since it is already Thursday tomorrow, including the weekends, you will have a long vacation." Naghiyawan ang mga kaklase ko sa anunsyo ng aming prof.

"But, I will give you a project that you will be submit next week. For you to start while you were at home." Napalingon ako sa mga kaklase kong nagsi-reklamo dahil sa sinabi ng prof namin.

"Hindi pa nasanay eh lagi lagi na lang tayo binibigyan ng gawain tapos magrereklamo pa." Bulong Gayle. Napailing na lang ako.

Pagkatapos ng klase ay kailangan ko munang pumunta ng national bookstore para sa gagamitin ko sa aming project. Gayle come with me because she needs also to buy something.

"Hey...kanina ka pa tulala dyan. Babayaran mo na ba 'yan? Wala nang pila oh." Turo niya sa may counter.

Napabuntong hininga ako. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Nauna na lang ako sa kaniyang pumila at nagbayad na rin. Hinintay ko lang siyang matapos.

Pagkalabas namin ay nakita ko sina Sophia kasama niya si Gaiden.

"Nangnang!" Tawag ni Gaiden sa akin ng makita ako nito.

Nagpapadyak pa ang kaniyang mga paa. Buhat buhat ito ni Sophia.

Nang makalapit ako sa kanila ay agad siyang nagpakarga sa akin. Hinalik-halikan ko ito sa pisngi.

"Uyyy, huwag mo naman panggigilan ang anak ko." Sabat ni Sophia.

"Namiss ko lang naman ang inaanak slash pamangkin ko." Sagot ko at kiniliti si Gaiden.

"Siya nga pala, Sophia ito nga pala si Gayle kaklase at kaibigan ko rin. Gayle si Sophia kaibigan ko at nanay ng poging inaanak ko." Sabay pisil ng pisngi ni Gaiden. Nakakapanggigil.

"Oh... Hi I am Gayle. Nice to meet you." Sabay abot ng kamay ni Gayle kay Sophia.

"Nice to meet you too... I'm Sophia." Nakipagkamay rin si Sophia pabalik.

"Anyway bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko.

"Ahhh... Kasi may kikitain lang ako dito. Eh wala namang magbabantay kay Gaiden kaya isinama ko na lang siya."

"Sino naman-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng may magsalita sa likuran ko.

"Hey! Sophia!" Tawag nito sa kaniya. Parang pamilyar. Paglingon ko ay tama ang hinala ko. Siya nga.

"Bakit kayo magkikita?" Hindi pa si Sophia nakakapagsalita ng magsalita si Gaiden.

"Nongnong!" Tawag nito sa kung sino. Si Devere pala ang kaniyang tinatawag.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now