CHAPTER 22

0 0 0
                                    

WEIRD?

MARIA DANA'S POV

"Pahingi naman ako niyan bes." Namimilit na naman ang isang 'to na kunin ang kinakain ko.

"Sophia. Wala akong kain kaninang umaga. Pwede ba." Mataray kong sabi at walang epekto yun sa kaniya.

"Ihhh. Sige na." Pamimilit pa nito.

"Ayyy ikaw talaga-" Malapit ko na siyang makutusan kung hindi lang siya umalis sa tabi ko.

"Babe. Ito oh. Ito na lang kunin mo. Pareho naman yung kinakain namin eh. Ito na lang. Huwag mo na si Dana kulitin." Pangungumbinsi ng boyfriend niya.

"Gusto ko Gavin yung kay Dana." Mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Anong nangyayari sa babaitang 'to? Ba't bigla-biglang nagkakaganyan? Anong nakain nito?

Kunot noo at taas ang kilay kong tinignan siya.

"Hoy, babaita! Anong kaartehan 'yan? Binibigay na nga sa'yo ni Gavin ang spicy chicken niya, gusto mo pa yung sa akin? Anyare sa'yo?" Asar kong tanong.

Hindi ito sumagot at mangiyak-ngiyak pa ring nakatanaw sa spicy chicken kong nasa plato ko.

Nagtaka ako ng umalis ito at mabilis na tumakbo papalayo. Naiwan kaming nakatunganga ni Gavin.

"What happened to her? She's acting weird? Ano bang nangyari sa kaniya?" My forehead creased as I ask Gavin.

"I-i don't know either. Since last week she's been like that." Huh? Last week? Eh wala naman akong nahahalatang kakaiba sa kaniya. I'm not really sure since hindi naman kami magkasama ng ilang araw dahil may lakad siya ng mga araw na yun.

"You sure? I mean, ngayon ko lang iyon napansin. Dahil noong nakaraan hindi kami nagkasama dahil may lakad siya." I stared at him and nakita kong malalim ang kaniyang iniisip.

"I need to go. I'll find her. Baka saan na siya pumunta." He's in a hurry and he hung his bag on his shoulder and ran towards the direction where Sophia went.

Anong nangyari at bakit parang balisa si Gavin?

Napagdesisyunan kong pumunta sa CR para makapag-ayos. Marami na nga akong iniisip tapos dumagdag pa 'tong sina Sophia at Gavin.

Nang matapos akong makapaghilamos ay inayos ko na rin ang sarili.

Paglabas ko ay nakita ko agad sina Ethan kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Ethan!" Masaya kong bati.

"Hey Dana! How are you? I'm sorry I wasn't able to show up. We have a training for the upcoming tournament." I smiled at him.

"I'm okay. I understand. Good luck for your tournament." Ngumiti naman ito at napalingon ako sa mga kasamahan niyang tumikhim.

"Cap. Tama na muna iyan. Naghihintay na si coach sa atin." Pang-aasar ng kaniyang kasamahan. Naramdaman kong namula ako kaya umiwas ako ng tingin para di niya makita.

Naramdaman kong natawa ito bago nagsalita.

"Paano Dana? We'll go first. Baka pagalitan na kami ni coach." Pagbibiro nito. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Sige. Good luck." Tumango ito at naunang maglakad. Nakikita ko pang inaasar siya ng mga teammates niya.


Nabigla ako ng lumingon ako. Nakatayo si Devere at para bang tinitignan ang papalayong sina Ethan.

Napahawak ako sa dibdib. "What the hell? Ba't ka nanggugulat?" Inis na sabi ko.

"Ba't ka nandito? Baka-" Naputol ang sasabihin ng may nagsalita sa likuran ko.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now