1

2.4K 39 8
                                    

"Pa bili nga po," inilapag ni Kharryl ang dala-dalang bayra sa maliit na pintuan nang isang sari-sari store.

"Taray natin makapagsalita ng tagalog ah?" Usal ng kaibigan niyang tindera.

"Practice lang, " ngumiti si Kharryl sa kaharap.

"anong bibilhin mo?" tanong ni Ella. Kaibigan ni Kharryl na siyang tindera.

"Pwedeng ikaw?" biro ni Kharryl.

Umirap ang kaibigan, "sorry but i'm taken"

napa ngiwi si Kharryl at tumango na lang.

"Bigyan mo nga ako ng limang pisong kalamansi"

"Hula ko, gagamitin 'to ng nanay mo sa paghuhugas" daldal ni Ella habang kumukuha ng mga kalamansi sa isang maliit na tray.

"Edi ikaw na ang manghuhula..." tugon niya sa sinabi ni Ella.

Inilapag ng kaibigan ang mga kalamansi sa nakalahad niyang palad.

"May nahanap ka na bang trabaho rito?" tanong ni Ella sa kaniya.

Umiling si Kharryl bilang sagot, pareho silang napa buntonghininga.

"Kapag wala ka pa ring mahanap, anong gagawin mo? Ako, okay na ako rito sa tindahan. Mabubuhay pa rin naman kami kahit eto lang. Paano naman kayo?"

Bahagyang bumagsak ang balikat ni Kharryl, "mapipilitan akong lumuwas pamuntang maynila" tugon niya sa kaibigan.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo sa buhay? Sa manila ka talaga maghahanap ng trabaho?"

Tumango siya, "sabi nila marami kang pwedeng maging trabaho sa maynila. Gusto ko na ring makatulong kila nanay at tatay. Nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Ngayong nakapagtapos naman na ako, inaasahan na nilang tutulong agad ako sa kanila."

Sumimangot ang mukha ni Ella, "bayaan mo na ko?" naiiyak kunwareng tanong ng kaibigan. [Translation: Iiwan mo na ako?]

"Siraulo," natatawang usal ni Kharryl.
"Babalil din naman ako, magta-trabaho lang para makatulong kila nanay at tatay. 'Wag kang mag-alala, ikaw pa rin naman ang bestfriend ko. Hindi na ako maghahanap ng iba roon. Kuntento na ako sa 'yo" ngumisi siya sa kaibigan.

Siniringan siya ng babae, "osige na, baka magalit na ang nanay mo sa sobrang tagal mo rito. Hindi pa 'yun makakapaghugas ng plato" pareho silang natawa sa biro ni Ella bago siya nag-paalam.

Bago matapos ang araw na iyon ay kinausap na rin niya ang kaniyang mga magulang dahil na rin desidido na talaga siyang pumunta ng maynila.

Agad namang pumayag ang mga magulang niya kaya hindi na rin siya nahirapan.

Pinalipas niya muna ang isang linggo bago lumuwas ng kamaynilaan. Pagdating niya sa maynila ay agad siyang naglibot para makahanap ng trabaho. Wala na siyang oras para gumala at humanga sa nagtataasang gusali sa maynila.

Mahirap ang tanging masasabi ni Kharryl pagsapit ng gabi. Mahirap maghanap ng trabaho. Wala siyang nahanap na trabahong pwede niyang pagkakitaan.

May mga open for employment pero isa sa mga requirements ay ang proweba mong may karanasan ka sa pagtrabaho.

Paano naman siyang nais pa lang magsimula?

Lumipas ang ilang araw at unti-unting nauubos ang kaniyang dalang pera pero wala pa rin siyang mahanap na trabaho.

Naiiyak na napaupo si Kharryl sa harap ng isang karinderya, nauubusan na siya ng pag-asa. Ayaw naman niyang umuwi na walang kahit na anong dala para sa pamilya.

Nagkalat ang mga basura, plastic at mga papel sa paligid. Ibang-iba sa lugar kung saan siya sinilang.

Aalis na sana siya pero may lumilipad na papel at humalik iyon sa mukha niya. Mabilis niyang inalis iyon at itatapon na sana pero agad niyang nabasa ang nakasulat sa papel. Nabuhayan siya ng loob.

"Hiring: Surrogate mother"

One suitable woman is enough

Basic Requirements:

Age range 24-39 years

Must be Patience

College Graduate

bring your proof of identity


Mandatory Requirements:

Must be physically qualified

Could carry a child

Non-smoker 

Non-alcoholic

Clean body  (No tattoos)

Free from complications

BMI  18-32

Height Requirement:

Must be 5'2 or above

Salary: 500,000 (per month)
Bonuses are not yet include.


Interested?  Come and apply.

The address and number of the employer was written below.

Gulat na gulat si Kharryl sa nakalagay na sweldo.

"Eto na lang ang pag-asa ko!"

Surrogate Mother (ON HIATUS) Where stories live. Discover now