34

372 18 10
                                    

A|N: Hello everyone, I’m open for criticism.
If you see any grammatical, punctuation, or typographical problems, please feel free to correct me. Your opinions are greatly valued. Enjoy reading!

•••

Malakas ang buhos ng ulan sa Lugar na pinanatilihan ni Kharryl. Mabuti nga at naisara na nila ni Doctora Kouwen ang clinic bago pa man ito bumuhos.

At dahil nasa tabi lang naman ng clinic ang pansamantalang tinutuluyan ni Kharryl, inaya niya itong pumasok na muna.

“Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape, Doctora?” Alok ni Kharryl.

Umiling ito bilang pagtanggi, “Baka hindi ako makatulog mamaya.” pareho silang napangiti sa tugon nito.

Mag iisang linggo na rin siyang nagtatrabaho bilang sekretarya nito at masaya siya doon. Kaunti lang ang pasyente ni Doctora sa bawat araw na nagdaan. Meron ding pasyente na pabalik-balik sa clinic dahil pabalik-balik rin ang lagnat nito.

Mga bata na nasa isang taon hanggang labing pitong taong gulang ang edad ng mga pasyente ni Doctora.

“Maglilinis muna ako ng katawan, tawagin mo lang po ako kung may kailangan ka, Doctora.” paalam ni Kharryl at pumasok sa solid na kaniyang inakupa.

Inihanda niya ang mga damit na susuotin sa ibabaw ng kaniyang kama. Bago pa siya makapasok ng banyo ay nahagip ng paningin niya ang kwaderno at panulat na ibinigay sa kaniya ni Kouwen. Ginagamit niya iyon ngunit hindi para sa trabaho kundi para doon isulat ang personal na mga bagay na nais niyang sabihin pero hindi niya magawa. Ang kaniyang talasarili.

Lumapit siya sa mesa at marahang umupo sa upuan, dinampot ang panulat at binuklat ang kwaderno. Naglagay siya ng petsa bago simulan ang pagsulat tungkol sa nangyari sa kaniya ngayong araw, maging ang mga iniisip niya ay ibinahagi niya sa pamamagitan ng papel at tinta.

Lampas isang linggo na tayong magkalayo,
gusto ko mang itanong kung nami-miss mo rin ba ako...
ngunit paano?

Kung ibulong ko kaya sa hangin
ang pangungulila ko sa ‘yo
at utusan ang madilim na kalangitan na iparating sa ‘yo ang mensahe ko...
mapapakinggan mo ba ito?

Kung sasabihin ko ba sa buwan
ang pagmamahal ko...
makakarating ba iyon sa ‘yo?

Isinara ni Kharryl ang kwaderno kasabay ng kaniyang tahimik na pagluha. Kahit na anong kumbinse niya sa sarili na itigil na niya ang nararamdaman para kay Kouvoh sa bawat araw na dumaan ay siya namang paglalim pa ng pagmamahal niya para rito bawat gabi.

Hindi niya na maintindihan ang sarili. Parang nawawala na siya sa katinuan dahil sa labanan ng kaniyang puso at isipan.

Nagpakawala ng hangin si Kharryl, “huminahon ka, Kharryl. Dala-dala mo ang anak nila. Kung kaya’t kailangan mong kumalma dahil makakaapekto ito sa ‘yo at sa bata.” paalala niya sa sarili habang pinapahid paalis ang mga kumakawalang luha.

Surrogate Mother (ON HIATUS) Where stories live. Discover now