T W E N T Y S E V E N

6 1 0
                                    

CHAPTER TWO:
The Plan

"Saglit, saglit, magta-traydor kami sa D.E.A.T.H?" Tanong ni Zch, gulong-gulo na siya sa mga nangyayari.

Ngumisi sa kanya si Percival at tinapik ang kanyang balikat.

"Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat lahat ng sakit at hirap na dala ng punyetang laboratoryo na iyon?" bigkas ni Jensen, hindi nawala ang ngisi niyang malademonyo ngunit ang mata nya ay puno ng poot at galit.

"Maya-maya lang, darating na dito ang death squad para kunin kayong muli" tuloy nya.

Nakatulala lamang si Alice, si Zch ay naguguluhan pa rin hanggang ngayon at si Charle na walang kibo na nakatingin lamang sa sahig.

"death squad?" Pagtatanong muli ni Zch.

"Mga tauhan nila, kukunin nila ang pinakamamahal nilang mga intern, wala kayong ibang gagawin kundi ang manahimik at sumunod sa plano" Ngumiti ito at naglakad na palabas ng kwartong kanilang kinalalagyan.

Walang kibo ang tatlo, maraming tumatakbo sa kanilang isip sa panahong ito.

Maya-maya pa ay may narinig silang isang napakalakas na pagsabog, kasunod nito ang sunod sunod na pagputok ng baril.

"C-Charle" nangingiyak na bigkas ni Alice habang nakabantay siya sa pinto. "A-Anong gagawin natin?"

Tumingin sa kanila si Charle, ibang aura na ang dala dala nito, ang mapagmataas at puno ng birong si Charle ay naging seryoso at walang buhay.

"Umupo kayo, susunod tayo sa plano" Sagot ni Charle. Tumango ang dalawa at naupo sa kanilang upuan.

Naghari na naman ang katahimikan sa kwarto, walang nagsasalita sa kanilang tatlo, pawang putok ng baril ang maririnig.

Zch

Naguguluhan pa rin ako hanggang sa ngayon, hindi malinaw sa akin kung anong nangyayari.

Nakakaramdam ako ng kakaiba kay Charle, feeling ko mayroon siyang alam sa nangyayari.

Pero si Charle?

Mali ito.

Mali na pinaghihinalaan ko si Charle.

Matagal kong nakasama si Charle, hindi niya magagawa na traydorin kami.

Si Alice.

Malaki ang tiwala ko kay Alice, mukhang pati siya ay naguguluhan na.

Hindi parin natatapos ang ingay at kaguluhan sa labas ng kwarto kung nasaan kami.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas, wala akong alam. wala.

wala akong alam.

Nagulat kami ni Alice, biglang tumayo si Charle at kinuha ang tali na nasa isang sulok mg kwarto.

"Charle? anong gagawin mo?" Tanong agad ni Alice.

Ngumiti si Charle, kagaya ng ngiti na ipinakita sa amin ni Percival.

Mad HatterWhere stories live. Discover now