E L E V E N: One of Them

37 14 4
                                    

CHAPTER ELEVEN:
One of Them

••••

"Gumising na kayo!" ang boses ni Zch ang nangibabaw  sa kabuoan ng headquarters, kinatok niya ang kwarto ni Alice at Charle na naging dahilan ng paggising ng dalawa niyang kasama.

Galit na lumabas sa kwarto si Charle at dahan-dahan namang lumabas ang antok pa na si Alice sa kwarto niya at naupo sa sofa.

"Bat ang aga aga mo manggising? Sira ba ulo mo?" inis na sabi ni Charle kay Zch na tinawanan lang siya.

"May problema ba, Zch?" Tanong din ni Alice na ngayon ay nakahiga na sofa at ipinikit ang kaniyang mata, dala na din siguro ng antok.

"Gusto ko lang namang matulog, bat mo pinagkakait sakin yun." madramang sabinni Charle at naupo sa isa sa mga upuan sa may dining area na katabi lamang ng salas, sumunod naman si Zch at naupo sa tabi ni Charle.

Nakahanda na din ang pagkain sa lamesa kaya tumabi na din si Alice sa dalawang lalaki.

Napansin naman ni Alice ang kakaibang excitement at kasiyahan sa mukha ni Zch. Ang paguusap nila ni Charle kagabi ay biglang pumasok sa isip niya at nagalala siya sa nangyayari kay Zch.

Base sa pagkakakakilala niya kay Zch, alam ni Alice na matapos malaman ni Zch na may mga namatay sa Maze, hindi na nito magagang magpakasaya pa.

"Anong meron Zch?" nagaalalang tanong ni Alice kay Charle habang nagsasandok ng kanin.

"Oh ano, kasi sabi ni Jensen kanina, may isang week daw tayong free bago ang next trial." pagpapaliwanag ni Zch habang kumakain na ng almusal.

"Tell me about it, I'm excited" Charle said sarcastically. Nakatingin lang siya sa pagkain, hindi pa rin maganda ang mood niya dahil sa pagkakagising ka kaniya ni Zch.

"Nagusap kayo ni Jensen?"  tanong ni Alice. Tumayo naman si Zch para kumuha ng tubig sa refrigerator. Nakatalikod ito sa kanila ng tumango siya bilang sagot sa tanong ni Alice.

Laking gulat ni Alice ng makita ang marka sa batok ni Zch at agad niyang tinawag ang atensyon ni Charle. "Charle, tingnan mo yung nasa batok nya bilis"  bulong ni Alice, agad naman itong tiningnan ni Charle at nabasa ang mga nakasulat rito.

Property of WKAS

Mad Hatter
Subject 02

"Tubig ba gusto niyo or juice?" inosenteng tanong ni Zch sa kanila. Hindi naman agad nakasagot ang dalawa dahil sa pagkakagulat sa nakita nila.

Humarap si Zch sa kanila na may dalang isang pitsel ng tubig at isang bote ng orange juice.

"Oh? bakit para kayong nakakita ng multo dyan?" tanong ni Zch at umupo na ulit sa inuupuan niya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Orange juice sa umaga?" sabi ni Charle na pilit inaalis ang tensyon sa pagitan nilang tatlo para huwag magtaka si Zch sa ikinikilos nila ni Alice.

"Hmm? Okay naman orange juice sa umaga." sagot ni Zch. Nagpatuloy lang sila sa pagkain, tahimik lamang sila at walang nagsasalita. Nagpapalitan ng makahukugang tingin si Alice at Charle habang bantay sarado pa rin nila ang bawat kilos ni Zch.

Tapos na sila sa pagkain ng dumating si Jensen, tumayo si Zch para ayusin ang lamesa.  Naupo naman si Jensen sa natitirang bakanteng upuan.

Mad HatterWhere stories live. Discover now