T W E L V E: Dinner Date

26 15 3
                                    

CHAPTER TWELVE:
Dinner Date

Tatlong araw na ang nakalipas noong nalaman ni Zch na mayroon siyang marka ng WKAS, tatlong araw na ding tahimik sa headquarters nila. Walang asaran, walang tawanan. Nagkulong si Zch sa kaniyang kwarto, hindi man lang siya nalabas ng kwarto niya para kumain.

"Zch, lumabas ka na diyan, kain ka kahit kaunti." sabi ni Alice habang kumakatok sa pinto ni Zch. Wala namang siyang natanggap na sagot, nanatiling tahimik si Zch.

Ngayong gabi ang huling araw bago magsimula ang trials at mayroon pagpupulong ang mga interns ngayong gabi.

"Zch please." pagmamakaawa ni Alice. Grabe na din ang pagaalala niya sa binata. Hindi pa ito kumakain simula noong huli silang nagusap.

"Umalis ka na Alice, please iwan mo na a-" hindi natapos ni Zch kaniyang sasabihin ng bigla siyang napasigaw, sa sobrang taranta ni Alice ay tinawag niya si Charle.

"Charle! Si Zch!" sigaw niya. Agad naman siyang narinig ni Charle na nasa may salas lamang. Agad na tumayo si Charle at pumunta sa may pintuan ni Zch.

"Hoy Zch! Lumabas ka nga dyan para kang tanga eh!" sigaw ni Charle habang ginagalabog pa din ang pinto ni Zch, ibang-iba sa malumanay na pagkatok ni Alice kanina.

"Zch! Anong nangyayari sayo?" tanong ni Alice. Sigaw lamang nang sigaw si Zch, wari mo ay nasasaktan ito.

"What the bloody hell is happening?" Tanong ni Charle kay Alice Alice, wala pa rin siyang tigil sa pagkatok sa pinto ni Zch.


"Zch! Buksan mo itong pinto o sisirain ko to?! " sigaw ni Charle sabay kalampag muli ng pinto.

Sumigaw ng napakalakas si Zch, waring nasasaktan sya ng sobra, at wala ng choice sina Alice at Charle kung hindi sapilitang pagpasok sa kwarto nito.

Sinipa ni Charle ang pinto with his full force at nasira ito. Pumasok silang dalawa at nagulat sa kanilang nakita.

Nasa isang sulok lamang si Zch, nakayupyop sa isang tabi, inuuntog nya ang ulo sa pader na nasa kanyang likuran, and kanyang mga labi ay namumutla na gaya ng kanyang balat. Ang mga mata nya ay nakapikit at may mga luhang gusto ng kumawala.


"Zch." bulong ni Alice kay Zch at lumuhod sa tabi nito.


"Anong nangyari?" Tanong ni Charle kay Zch, nakatayo sya malapit sa dalawa nyang kaibigan.


May sinasabi si Zch pero wala silang maintindihan, tuloy tuloy lamang ang kaniyang pagiyak. Agad namang iniunan ni Alice ang ulo ni Zch sa kaniyang hita at hinaplos ang buhok nito.

"Shh, andito na kami Zch, magiging okay din ang lahat." pagpapatahan ni Alice kay Zch.  Nakayakap lang si Alice sa kanya ang mga kamay nito ay nakaikot kay Zch na para bang ang hawak nya ay isang babasaging bagay.

Ilang minuto pa ay tumigil na ang pagiyak at hikbi ni Zch, mukhang nakatulog na ito.


Mad HatterWhere stories live. Discover now