T W E N T Y F O U R

21 5 5
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR:
Mad Hatter's Tea Party

Hinatid sila nito sa isang silid na punong puno ng pinto. May malaki, may maliit. Nandoon na lahat ng uri ng pinto.

"Sana ay mahanap nyo ang pintuan papunta sa mahal naming pinuno" sabi ng gate keeper. Ipinitik nito ang kanyang mga daliri at may lumbas na ginintuang sand clock.

"Pero ang lahat ay may limitasyon" sabi nya at umalis na.

Naiwan si Charle at Alice sa silid na iyo.

"So.. saan tayo magsisimula?" Tanong ni Alice kay Charle na mukhang naguguluhan na rin.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makaisip ng dapat gawin si Charle.

"Natatandaan mo pa ba yung itsura ng mga pinto sa lugar na ito?" Tanong ni Charle, tumango naman si Alice bilang sagot.

"Kung anong ang itsura ng mga mga pinto dito, malamang ganun rin ang pinto kung nasan si-- kung sino mang hinahanap natin" sabi nya.

Naghanap sila ng naghanap hanggang makakita sila ng apat na pintong katulad ng mga pinto sa kastilyong ito.

"Uh.. Charle? Yung sand clock, paubos na" pagpapaalala ni Alice kay Charle.

Napamura naman si Charle at agad agad na binuksan ang unang pinto. Kadiliman lamang ang bumabalot dito.

Biglang bumukas isa-isa ang mga ilaw dito at nakita nila ang isang dalagang napakaganda na pinapatay ng pitong maliliit na tao.

Nakita sila ng isa at nagtangkang habulin sina Alice, agad naman nilang isinara ang pinto.

Sa pangalawang pinto naman, agad na tumambad sa kanila ang dalawang babaeng pilit na pinagkakasya ang kanilang paa sa salamin na sapatos, nang hindi ito magkasya, pinutol nila ang kanilang mga daliri para lamang magkasya ito.

Isinara nila ang pinto.

"Ano yun?" Tanong ni Charle kay Alice.

"Hindi mo ba nahahalata? Mga Fairy tales yun" sagot ni Alice.

"Anong Fairy Tales?"

"Yung una, Snow white and the seven Dwarves tas yung pangalawa naman, Cinderella" sabi ni Alice.

"Ganun ba talaga ang kwento ng mga yun? Napakabrutal naman at anong kinalaman nila? bat nandun sila?"

Sa pangatlong pinto, nakita nila ang isang lalakeng nakupo na may suot na coat na kulay berde at sumbrerong kulay lumot rin.

Ito nga, nahanap na nila ang kanilang hinahanap.

"We're here" Bulong ni Charle kay Alice.


Pumasok sila ng dahan dahan at tahimik sa silid na iyon, bigla namang namatay ang ilaw at naiwan ang isang spot light sa isang mesa kung saan nakaupo ang Mad Hatter.

"Akala ko hindi na kayo makakapunta" sabi ng isang pamilyar na boses. Tama si Alice, si Zch nga ito.

His appearance changed a lot. his once luscious, always set on a quiff hair was disheveled. His skin paler, his once lively hazel eyes were now yellow and blue that was dull.

Mad HatterWhere stories live. Discover now