S E V E N: Devil in the Pool

52 18 9
                                    

CHAPTER SEVEN:
Devil in the Pool

"Phase Two Is Ready" the woman's robotic voice echoed. Nagising kami dahil boses na iyon. Tumayo kami at inayos ang mga gamit namin. Nagaayos na din ng gamit sina Lewis at Lea.

"So I guess, this is a goodbye?" sabi sa amin ni Lewis habang inaayos ang backpack nya.

"Stay Alive, we better see each other sa huling trial." sagot ni Charle. Tumango si Lewis at umalis na silang dalawa ni Lea. Noong medyo nakalayo an sila, agad na nagsalita si Alice.

"Mamimiss ko sila."

"Ang bilis mo naman mainlove." sabi ni Charle.

"Hindi si Lewis, si Lea." pagdepensa ni Alice sa sarili.

"So you are...?" halatang nagets naman agad ni Alice ang pinaparating ni Charle.

"Eh? hindi, it's just nice to spend time with a girl, ilang araw na kong nastuck kasama niyong mga baboy kayo. Pwe." sabi ni Alice. Natawa na lang ako imbis na maoffend, tama naman siya.

"Sa pogi kong to baboy? May sira ata mata mo." sabi ni Charle at tumayo na. Tumayo na rin kami dahil ayos na ang mga gamit namin. Swerte kami dahil medyo maraming pagkain ang nasa bag na ibinihay ni Jensen, miss ko na kumain ng kanin. Ilang araw na puro tinapay at biscuit lang kinakain namin.

Naglakad lakad lang kami, hindi namin sigurado kung saan pero tuloy tuloy lang kami umaasa na sana makarating na kami kung saan man.

.
.
.


.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

"Sobrang nakakapagod na 'to ah" pagrereklamo ni Alice habang nags-strech ng kanyang mga binti.

"Parang kanina pa tayo naglalakad, may kalahating araw na ba?" Tanong ni Charle sa amin. Oo, ganon na kami katagal palakad-lakad at paikot-ikot. Nagpapahinga naman kami every now and then pero exhausting pa rin.

"Yep, the sun is about to set 5 hours from now" sagot ko naman.

"Damn, I'm really tired" sabi ni Alice habang iniiinat ang kanyang mga kamay.


"Asan na kaya yung mga halimaw? Parang wala na akong nakita simula noong natapos natin yung kay Calvie." Tanong ko.


"Do you want to have a late lunch date with them?" Tanong ni Charle sa akin.

"Hindi ka ba nawiweirduhan? I mean, parang kahapon lang pagala- gala lang sila dito tas ngayon ni isa wala?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Maybe there are specific part of the maze where they are" Alice said out of blue.

"Wow you're improving!" Sabi ni Alice sabay palakpak.

"Ha.Ha so funny, Charle" sabi ni Alice na nakasimangot at mukang hindi natuwa sa compliment ni Charle.

"Yeah, I know right." sagot ni Charle.

Mad HatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon