N I N E T E E N

24 10 3
                                    

CHAPTER NINETEEN:
Bon Appetit

"Ti saro to andha le laya" (It's time to prepare the offer) isa sa mga Arzillan ang nagsalita.

Nagpumilit na kumawala sa pagkakahawak ng mga Arzillan si Charle.

"Oy, kung naiintindihan nyo ako, please pakawalan nyo na kami" sabi ni Charle sa mga Arzillan.

"Wa si lake lita ukol?" (What is he talking about?) One of the Arzillan asked.

"Id me lama" (i dont know) another one said.

Mas hinigpitan nila ang kapit at pagkakahawak nila sa amin at hinila kami sa isa napakaweird na bahay.

Gawa ito sa kahoy at putik na pinatigas, dahon na tuyo naman ang nagsisilbing bubong nito at napakalaki nito.

Nang maipasok kami sa bahay, nakita namin ang limang mahahabang lamesa na nakahilera, may malaking kabinet na nakadikit sa pader na punong-puno ng mga pampalasa at gamit pangluto.

Hinila kami ng mga Arzillan sa harap ng mga mahahabang mesa. Pilit nila kaming pinahiga doon at itinali ang aming mga kamay at paa.

Sinigurado ng mga Arzillan na mahigpit ang aming pagkakatali at hindi kami makakawala, umalis sila at iniwan na lamang kami.

"Musta naman kayo mga chong?" Tanong sa amin ni Charle.

"Ayoko pang mamatay" sabi ni Alice sa amin.

"Well, I guess we're going to" Charle sassed.

"Pero seryoso, ano ng gagawin natin? Hahayaan natin silang iluto tayo o hatiin ng ganun-ganun lang?" Tanong ko sa kanila.

"Hatiin? Yung mga daggers mo! Asan na?" Tanong sa akin ni Charle.

"Nasa bulsa ng coat ko" sagot ko habang pinipilit abutin ang bulsa ng coat ko ngunit hindi talaga abot kahit anong pilit ko.

"Hindi ko maabot" sabi ko sa kanila.

"Shhh" Alice hushed them both, and as if on cue, three old ladies accompanied with two Arzillan guys entered the hut.

"lamat lis an" (thank you, you may go now) sabi ng isa sa mga matatandang babae at umalis na ang mga kalalakihan.

Lumapit sa amin ang mga matatandang babae, para bang sinusuri nila ang bawat parte ng aming mga katawan.

Makalipas ang ilang mga minuto, kumuha ang mga matatandang babae ng maliit na kutsilyo galing sa kabinet at bumalik sa amin.

Unti-unti nilang sinira ang aming mga damit hanggang sa maging hubo't hubad kami na parang bagong silang lang.

"I swear to pete! Pagtumingin kayo dudukutin ko talaga yang mga mata nyo oras na makawala ako dito!" Pagbabanta sa amin ni Alice.

"I can say the same thing to you Alice" Charle sassed.

"I'm just going to remind the both of you that in no time we're going to be the main course" Pagpapaalala ko sa kanilang dalawa.

Kumuha ng puting tela ang mga matandang babae at ibinihis sa amin, tinakpan nila ang aming mga pribadong parte.

"I guess i look great in this, pwede na kayong pang Project: Runway" sabi ni Charle sa mga matatandang babae.

Pumunta muli ang mga matandang babae sa mau kabinet at kumuha ng tag-iisang garapon na may kung anong kulay itim sa loob. Bumalik sila sa amin at ipinahid ang itim na laman ng mga garapon sa lahat ng balat na hindi natatakpan namin.

Mad HatterWhere stories live. Discover now