T W E N T Y N I N E

15 1 0
                                    

Chapter Four:
Mad as a Hatter


"Anak, gumising ka na" tinig ng isang babae, ang boses nito ay napakakalma.

"Magbihis ka ha? tapos bumaba ka na" pagkasabi nito ay lumabas na siya ng kwarto ng kanyang munting anak.

Sinunod naman ng batang lalaki ang utos ng kanyang ina.

Dali-dali siyang naligo at nagbihis ng pormal na suotin at nagsuot ng paboriton niyang kulay dahon na coat na regalo sa kanya ng namayapa niyang ama.

Bumaba na siya at nakita niya ang isang babaeng may pulang pula na labi at ilang mga lalaking nakapormal na itim na kasuotan.

"Tim, anak, halika dito" tawag sa kanya ng kanyang ina, lumapit siya dito at nagtago sa likod nito.

"Tim, 'wag ka matakot, nandito sila para tulungan tayo" dagdag ng kanyang ina.

Naupo sila sa sala at naghanda ng tsaa ang mga katulong nila para sa mga bisita.

"Queen, ito po si Tim" pagpapakilala ng kanyang ina sa babae na sinuklian naman ng ngiti ni Queen.

"Tara na" akmang aalis na ang mga bisita, kasama si Tim ng tumakbo ang bata sa kanyang ina.

"Ma? saan po nila ako dadalhin?" tanong ng bata na ngayo'y umiiyak na.

Lumuhod sa harapan ng bata ang kanyang ina at hinawakan ito sa magkabilang pisngi.

"Anak, papagalingin ka nila, gagamutin nila 'yang sakit mo" bakas na rin sa ina ang pagkalumbay.

"magkikita pa ba tayo ma?" tanong ng bata na walang humpay ang pagtulo ng luha.

Hindi na rin napigilan ang pagiyak ng kanyang ina.

"Oo, magkikita pa tayo ha?" pagkasabi nito, kinuha na si Tim ng mga lalaking nakaitim at isinakay sa kanilang sasakyan.

•••

"Hi" nagulat si Tim ng makita ang isang batang lalaki na hindi nalalayo sa kanyang edad, may kasama itong maliit na batang lalaki din.

"bago ka dito?" tanong muli nito, ngunit nanatiling tahimim si Tim.

"Ako nga pala si Thack at ito si Mally, ikaw? anong pangalan mo?" tanong nito.

"T-Tim" sagot niya.

umupo sa tabi niya ang dalawang bata, agad na nakatulog si Mally pagkaupo nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Thack sa kanya.

"Gagamutin daw nila ako" sagot niya. Nagbuntong hininga naman si Thack at inakbayan si Tim.

"Ah, tulad tayo, gagamutin daw nila ako pero ilang taon na, wala pa din" sabi nito at nginitian si Tim.

"Eh anong ginawa mo dito kung di ka nila ginagamot?" tanong ni Tim, nagiging komportable na ito sa presensya ng bagong kilala niyang bata.

Mad Hatterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن