T W E N T Y E I G H T

6 2 0
                                    

Chapter Three:
Mad Hatter's Back

"Saan nila dadalhin si Zch?" tanong ko kay Charle habang nasunod kami kay Jensen, papunt sa kwarto namin.

"Hindi ko rin alam Alice" sagot niya.

Tumahimik muli kami at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakapamilyar ng lugar na ito sa akin. Buong buhay ko ay nandito na ako, simula noong ipanganak ako.

Wala pa ring nagbabago.

Bagamat maraming scientist at nga tauhan dito ang hindi ko kilala, ang mga kwarto, mga dingding ay tulad pa rin ng dati.

Kulay puting dingding, mga salaming nagsisilbing harang sa bawat kwarto kung saan iba't-ibang eksperimento ang ginagawa.

Walang pinagbago.

Zch

"Saan n'yo ko dadalhin?" sigaw ko. Ngunit kahit anong pagpipiglas ko ay hindi ako makawala.

Hawak-hawak ako ng dalawang malalaking lalaki na nakauniporme na ani mo'y sasabak sa giyera.

Tatlo o higit pa ang nasa likuran namin, nakabantay, na baka ako'y tumakas.

Wala akong lakas ngayon.

Nanghihina na ako.

"P-please, pakawalan niyo na ako" pagmamakaawa ko.

Ngunit para silang mga robot na sinusunod ang utos sa kanila at wala ng iba.

Nakarating kami sa isang kwarto, puting kwarto na may isang kama, isang kama sa gitna nito, 'yun lamang ang laman ng malaking silid na ito, amg mga dingding ay gawa sa salamin, kung saan hindi kita sa loob ang kung anong nasa labas ngunit kita sa labas ang kung anong nasa loob.

Itinulak nila ako papasok sa kwarto at pilit na inihiga sa kama, pagkatapos noon ay lumabas na sila.

Naiwan akong mag-isa.

Asan na sina Alice?

Si Charle?

Sumakit ang ulo ko, kagaya ng pagsakit nito noong nasa Castle of Hearts kami.

Hindi pwede.

Napahiyaw ako sa sakit, parang hinahati sa dalawa ang ulo ko.

Patay na ang Mad Hat, wala na si Max.

Bakit..

Bakit ganito?

Bumukas ang pinto, lulan nito ang dalawang lalaki, pumasok ang mga ito.

Ang isang lalaki ay may kulay tsokolateng buhok, mukha siyang presentable at may awtoridad. Ang isang lalaki na man ay mas maliit, mayroon itong kulay lupang buhok, nakahalukipkip lamang ito sa likod ng kasama nitong lalaki at para bang ilag siya sa akin.

"Welcome back, Tim" sabi niya sa akin.

"T-Tim? Sinong Tim?" tanong ko.

Naguguluhan ako.

Tumawa naman ito, ang kasama niyang lalaki ay nakasandig sa pader at natutulog.

"Hindi mo pa rin ba naaalala ang lahat?" Hindi nawawala ang ngiti nito sa kanyang labi.

Anong nangyayare?

"Sino ba kayo?" bulong ko, masakit pa rin ang ulo ko.

"Oh, my bad, 'di pa pala kami nagpapakilala" sagot niya at sinuntok ng malakas ang kasama niya para magising ito, na napaaray naman sa sakit ng suntok na natanggap niya.

"Ako si Thack at itong.. hampas lupang ito ay si Mally" pagpapakilala niya.

Hindi ko pa rin sila kilala.

Tumindi ang sakit ng ulo ko at napayuko.

"Iwan ka na muna namin, Mad Hatter" sabi nila at naglakad palayo.

Nakita ko ang kanilang mga likod na naglalakad palayo.

Isa ang kumuha ng aking atensyon, ang mga marka sa kanilang mga batok.

Property of D.E.A.T.H
March Hare
Subject 04

Iyan ang nakasulat sa batok ng matangkad na lalaking si Thack.

Property of D.E.A.T.H
Dormouse
Subject C65

Ito naman ang nakalagay sa batok ni Mally.

"S-saglit" sigaw ko.

Lumingon naman silang dalawa.

"Bakit Tim?" tanong ni Thack sa akin.

"Marami akong tanong" sagot ko.

Ngumisi ito sa akin at lumapit muli, tinapik nito ang aking likod.

"Hindi pa sa ngayon" sabi niya at tuluyan na silang umalis.

Lalo akong naguluhan.

Bakit niya ako tinatawag na Tim?

Sino ba sila?

Lalo ding sumakit ang ulo ko, napasigaw na ako at sinimulang iuntog ang ulo ko sa pader, nagbabakasakaling nakatulong ito.

Bumukas ang pinto at may pumasok at tumakbo papalapit sa akin, mga taong nakaputi, naka lab gown sila.

"Subject 03, I repeat, emergency, Subject 03" sabi niya doon sa kung anong device na hawak niya.

Hinawakan nila ako at itinali sa kama.

Nagpumiglas ako at mukhang nahihirapan sila pero dumating ang mas maraming tauhan nila at napagtagumpayan nila akong itali sa kama.

"PAKAWALAN NIYO KO" sigaw ko, ngunit hindi nila ako pinansin.

May kinuha ang isa sa kanila na syringe at itinusok sa akin, unti-unti naman akong nakaramdam ng antok.

•••

"Nakakaawang nilalang" Sambit ni Thack habang nakatingin sa matalik na kaibigan na nakatali sa kanyang kama.

Tinurukan nila muli ng isa pang syringe si Zch at mukhang hindi na ito pampatulog o pampakalma.

"Ano iyon?" Tanong ni Mally.

"Mercury" sagot niya.

Walang naging reaksyon ang katawan ni Zch sa mercury na sinasabi ni Thack, dahil sa utak ito naapekto.

Umalis na ang mga scientists, tinanggal din nila ang tali ni Zch sa kama at ni-lock ang pinto.

"Babalik na siya, babalik na siya sa atin Mally"

Mad HatterOù les histoires vivent. Découvrez maintenant