N I N E T E E N : Don't Breathe

29 13 3
                                    

CHAPTER NINETEEN:
Don't Breathe

Zch

Now we are here. Trying to get a corpse. Di ko na imagine na gagawin ko to sa buong buhay ko.

Nasa may pintuan kami ngayon, surprisingly, wala masyadong malapit sa aming zombies pero trust me, sobrang dami nila sa paligid. Parang may rally sa labas ng tree house.

"Zch, ayusin mo naman." utos sa akin ni Charle. Hawak-hawak ko ang gasera upang ilawan si Charle. Medyo malayo-layo pala ang bangkay ng zombie sa may pinto kaya pilit itong inaabot ni Charle.

"Zch, tulungan mo ako." sabi niya.

Sabi ko na nga ba e.

"Alice oh." ibinigay ko kay Alice ang gasera para siya ang maghawak nito. ikinalang naman iya ang kanyang isang kama para manatiling bukas ang pinto.

Umupo ako sa tabi ni Charle at pilit na inabot kahit ang paa lang ng bangkay. Ang baho sa totoo lang.

Naabot naman namin ang paa nito, bumilang si Charle ng tatlo at tsaka namin hinila papasok ito. Medyo nagcause kami ng ingay kaya dali-daling lumapit sa amin ang mga zombies. Agad naman isinara ni Alice ang pintuan at kinandado ito.

"Kadiri kayo." sabi ni Alice habang tinitingnan ang bangkay na nakahiga ngayon sa lapag ng tree house. Tumayo si Charle at sumilip sa maliit na butas sa dingding ng treehouse.

"Anong plano?" tanong ko.

"Maglalakad tayo palabas." sabi niya. Hiningi nya sakin ang isa sa mga dagger ko at hinati ang tiyan ng bangkay.

Kadiri.

Maging si Alice ay napalayo.

Paano to natatagalan ni Charle.

Isinawsaw niya ang kamay niya at nagsimula ng ipahid sa katawan niya. Seryoso nga si Charle sa plano niya.

Wala naman akong choice kundi gawin ang sinasabi ni Charle at sa nakikita ko ito lang ang way para makaalis kami dito.

"Nakakadiri kayo." sabi ni Alice habang nagpapahid din ako sa katawan ko.

"HELL NO! Hindi ko gagawin yan Charle, masyadong nakakadiri."  sabi bigla ni Alice.

"Wala tayong choice" sagot ko.

"Saksakin mo na lang ako." sabi niya at naupo sa isang gilid.

"Choice mo naman yan eh, magpapahid ka nito or maiiwan ka dito?" tanong ni Charle.

"Wala" sagot ni Alice.

"So maiiwan ka dito?" tanong muli ni Charle.

"Hindi, wala ka ba ba talagang maisip na ibang plano?" Tanong ni Alice.

"Wala na Al, kaya gawin mo na lang." sabi ko. Nandidiri ako sa sarili ko ngayon. Ang baho.

"Ah! Nakakaani kayo letse" sabi ni Alice at unti-unti na ring nagpahid sa katawan nya. "Damihan mo" sabi ni Charle at winisikan si Alice sa mukha.

Mad HatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon