T W E N T Y: Arzillan

25 10 3
                                    

CHAPTER TWENTY:
Arzillan

Zch

Napatayo kami bigla ni Charle. Napabilis nga ang pagtayo ko at medyo nahilo ako ngunit hindi ko na ito ininda dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko ngayon. "Tangina ano ba yan?" Tanong ni Charle. Hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko rin alam kung ano nga ba ang mga tao na nsa harapan namin ngayon.

"I Se To Me Da Ey R Pa!" (It seems to me that their are food) sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan. Wala akong maintindihan sa nga sinasabi nila. Anong lenguwahe ba ang ginagamit nila?

"Wi Luk nou, ey r de no to gu to we" (we're lucky enough, they are the one to go to us) dagdag pa ng isang lalaki na may mahabang buhok. Kahit halos magkakahawig sila ay meron pa ding slight na pagkakaiba sa pangangatawan, hugis ng labi at mga mata at pati kanilang buhok.

"Anong lenguwahe ba yan?" Tanong ni Alice sa amin. Sinusubukan kong alalahanin kung mayroon ba akong nabasa noon tungkol sa lenguwaheng ito pero hindi talaga ito pamilyar sa akin.

"Hindi ko rin alam, wala akong idea." pabulong ko na sagot kay Alice.

"Ano sa tingin nyo ang pinaplano nila satin?" Tanong uli ni Alice.

"Again Alice, kung wala kang alam, wala din kaming alam." Pagtataray na naman ni Charle.

"Sugdo! Kuhin Las!"
(Go! Get them!) Sigaw muli ng isa sa mga lalaking gubat.

"Ano kaya ang pinagsasasabi nila?" Tanong ni Charle maladora style.

Biglang sumugod sa aming direksyon ang grupo ng taong gubat. Agad naming binitbit ang mga gamit namin na nasa sahig.

"Ano kaya and dapat naming gawin? An-" tanong muli ni Charle habang nagreready na kaming tumakbo.

"Tangina Charle! Tara na!" Sigaw ni Alice. Nakuha pa ni Charle magbiro, nagpapanggap siyang si Dora.

Hinawakan namin ang aming mga sandata at humanda para sa labanan na magaganap, pinalilibutan na nila kami ngayon. "Handa kayo ah." bulong ni Charle sa amin ni Alice.

Nagsimula ang labanan at dahil napakarami nila at tatlo lang kami, wala kaming nagawa, itinali nila ang aming mga kamay at pinaluhod sa kanilang harapan.

Pinilit naming makakawala mula sa pagkakatali namin. "Gilt balan, U nahi!" (Stop fighting, you're weak!) Sigaw ng isa sa kanila at nagsitawanan sila.

Nakatingin lang si Charle sa kanila, at kung nakakapatay ang tingin, malamang patay na itong mga ito.

"Kalma lang Charle" bulong ko sa kanya at unti-unti naman kumalma si Charle.

"Kuhin Las, Bali Na We to Le tribu" (get them, let's go back to the tribe) sabi ng isa sa kanila.

Hinila nila kaming tatlo patayo at pinaglakad. "San nyo kami dadalhin!?" Pasigaw na tanong ni Alice.

"Para namang maiintindihan ka nila Alice" sabi ni Charle at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Napakalayo na ng aming nalalakad, sobrang pagod na pagod na kami. Namamanhid na rin ang aking mga kamay dahil sa mahigpit na pagkakatali nito.

Hindi maiwasan sa aming paglalakbay ay nakasalubong kami ng iba't-ibang creatures ngunit mukang takot ang mga ito sa mga kasama namin.

"Pagod na ako" pagrereklamo ni Alice.

Mad HatterWhere stories live. Discover now