T W E N T Y O N E

23 8 7
                                    

CHAPTER TWENTY ONE:
The Escape

Lakad lang kami ng lakad, hindi ko alam kung ilang araw o linggo na ang lumipas. Nakakasalubong kami ng kung ano-anong nilalang, humihinto ng saglit upang magpahinga tapos maglalakad ulit.

Pagod na pagod na ako.

"Malayo pa ba?" Tanong ni Alice na hingal na hingal na. Nagbuntong hininga naman si Max bago sagutin ang tanong ni Alice. "Oo, sa palagay ko e, iniba na naman nila itong Wasteland." Sagot niya.

"Kakabanas, ano ba yan, pahinga naman muna tayo" Pagmamaktol ni Charle.

"Kapapahinga pa lang natin ah, gurang ka na talaga" Sabi ni Max at patuloy na naglakad. "Tara na! Para makalabas na tayo!" Sabi ni Max.

"Tama na muna Max, pahinga muna tayo" sabi ko sa kanya at naupo sa ilalim ng isang puno.

"Sige po" Nagulat din ako.

Sa mga araw na lumilipas, mas pinapakinggan ako ni Max kesa kay Charle.

Ramdam ko na rin yung sama ng tingin sa akin ni Charle ng tumabi sa akin si Max.

Naging close na rin kami ni Max, pati rin naman si Alice, lalong-lalo na si Charle, ayaw na nga nya humiwalay kay Max e.

"Tubig?" Alok sa akin ni Max, since ubos na yung akin. Tiningnan ko kung gaano na lang kadami yung nasa container niya, sapat na lang yun para sa isang tao.

"Iyo na" sabi ko at nginitian siya. Umiling lang siya at ibinigay sa akin yung container niya.

Lumapit naman sa amin si Charle at inagaw yung container sa akin at ininom ang tubig na laman nito.

"Ano bang problema mo!?" For the second time, nagulat ulit ako, bakit parang big deal naman kay Max to?

"Ikaw, ikaw yung problema ko" sagot ni Charle. "Bakit hindi yang mukha mo ang prblemahin mo?" Sabi ni Max.

Tumingin lang ng masama si Max at naglakad na ulit, sinundan naman namin siya.

Sa paglalakad namin, kung ano-ano na ang naranasan naming hirap.

"uh, may kakaiba ata" Biglang sambit ni Alice.

Napalinga kami, naging alerto ang lahat, si Max naman ay agad na lumapit sa aking tabi, wari ba'y kanya akong pinoprotektahan.

Ramdam ko ang talim ng tingin sa akin ni Charle, pero tulad niya, hindi ko rin alam ang nangyayari kay Max.

Biglang kumulog ng malakas.

"Ay pusa ka" sigaw ni Alice dahil na rin siguro sa pagkakagulat niya.

"Mukang uulan pa ata" Sabi ko.

"Kailangan na natin makahanap ng masisilungan" Sabi ni Max at sumangayon naman kaming lahat.

Hinawakan ni Max ang aking kamay ng kami ay tumakbo dahil sa takot na maabutan kami ng pagpatak ng ulan, mahirap na magkasakit sa panahon ngayon.

Mad HatterWhere stories live. Discover now