T H R E E: Maze

88 22 28
                                    

CHAPTER THREE:
Maze

"Gising na!" Isang malalim at malamig na boses ang nagecho sa buong head quarters.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Professor Jensen na nakaupo sa dining table, nakahanda na ang almusal.

Kalalabas rin lang nina Charle at dumiretso na kami sa dining area at umupo.

"Be quick and eat, we need to get ready" sabi ni Jensen habang nagbabasa ng dyaryo nya.

Kumain sila ng tahimik, ang tunog lamang ng mga kutsarang tumatama sa plato ang maririnig mo sa kabuoan ng head quarters.

"So.. pwede nyo na bang sabihin kung ano ang first trial?" Tanong ni Alice at nagkunwaring hindi nya ito alam.

"Hindi" simpleng sagot ni Jensen at ipinagpatuloy ang pagbabasa nya sa kanyang dyaryo.

Tumingin si Alice kay Charle at si Charle naman ay tumango lang. Para silang naguusap sa kanilang utak.

"So may plano ba tayo?" Tanong ni Alice sa amin. "Wala" sagot ni Charle habang nageenjoy sa pagkain ng pancakes.

"Ha? Teka, ano?" Tanong muli ni Alice sa kanya. "Wala tayong plano" sagot ni Charle without even looking at her.

Nagulat rin ako sa mga pinagsasasabi ni Charle. Si Charle walang plano? Imposible.

"Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Alice, medyo lumalakas na rin ang boses nya.

"Hindi" simpleng sagot naman ni Charle.

"Ano ba tong pinasok ko!" I can see that Alice is so frustrated. Kaya nagsalita na rin ako. "Charle seryoso? Wala talaga?" Tanong ko ng mahinahon.

"Wala, go with the flow" sabi nya at uminom ng juice na nakahanda sa mesa.

"Go with the flow? Paano kung mamatay ka? Or worse ako, go with the flow lang?" Sabat naman ni Alice.

"Wala tayong magagawa dito sa labas, pero sa loob, meron. 'Yun ang plano" sabi ni Charle at tumayo na.

Tumayo na rin ako at naiwan si Alice sa mesa, nakatulala lang sya.

"Alice, wag ka na muna mag isip ng magisip" sabi ko at tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Naligo na ako at ginawa ang dapat gawin, nakita ko ang mga damit na inhanda para sa akin ni Jensen.

Isinuot ko ang black na V neck T-shirt at ang dark green na pantalon. Isinunod kong isuot ang kulay lumot na coat na hanggang sa aking mga binti ang haba.

"Hindi na rin masama" bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan ang aking reflection sa salamin.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Charle, naka V-neck rin sya na puti at may tatlong pulang guhit sa bandang kaliwa at nakasuot ito ng itim na pantalon.

Si Alice naman ay naka navy blue na T-shirt sa ilalim ng isang leather jacket at tulad ng kay Charle, itim na pantalon.

"I think ya'll ready" sabi ni Jensen sabay ngiti.

"Bat parang iba-ibang kulay pa kami? Ang sakit sa mata" tanong ni Alice sa propesor.

"Powerpuff girls, duh" sabat ni Charle at inirapan naman sya ni Alice.

Mad HatterWhere stories live. Discover now