PROLOGUE

38 2 1
                                    

Tears flowed seeing their urns in front of me.





Parang kahapon lang, kasama pa nila ako eh. Nagpaalam lang silang bibisita sa Pilipinas para sa kasal ng inaanak nila.





Tapos babalik silang abo sa akin?





"Flight NPJ 2941 crashed." The news echoed all over my head. Iyon ang flight ng mga magulang ko! Yung mama at papa ko.



***

Hinablot ni Thyro ang boteng hawak ko. "Malia, that's enough. Alcohol won't do any good to you--"




"Ang mabuhay may nagawa bang mabuti sa akin?" Wala diba?! Ano pang rason. "S-sana isinama na lang nila ako." Kung ganito lang din kasakit ang mabuhay, sana namatay na lang din ako.





"Ang daming taong gustong mabuhay pa ng mas matagal, tapos ikaw heto nagsusunog ng atay, sa tingin mo matutuwa sina Tito at Tita sayo?"






I tsked. "Tinanong ba nila ako kung natutuwa akong maiwan nila?!" They left me with bunch of  heartaches, they left me alone, they left me no one, they left me with nothing! "Sabihin mo sa akin, ano pa bang paglalaanan ko kung wala din naman sila?"






Para saan pa yung mga pinaghihirapan ko?






Agad niya akong kinulong sa kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. "Nandito pa naman kami. H-hindi ka naman namin iiwan."






Still. Hindi ko makita ang sense ng mabuhay. Okay lang naman ako? Okay lang ako pero hindi ako masaya.







Kinabukasan, namalayan ko na lang ang aking sariling nagmamaneho patungo sa lugar kung saan ko sinaboy ang mga abo nila.







Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo. It's been months and I still can't let go of them.






Hindi ko nakikita ang sarili kong maging masaya ulit.







Wala na ang mga dahilan. Iniwan na ako.







Binabagtas ko ang liko-likong daan nang biglang mag- ring ang telepono ko. I harshly brushed my tears and reached for it on the dashboard.





"Thyro, if you're going to blab again, please don't." Pauna ko. "Gusto ko lang naman mamahinga." The good rest where I can feel heaven, just once.






"Nasaan ka? May naghahanap sayo." Malayong aniya. "Bumalik ka na dito Malia Francesca,"






Sunod- sunod akong napailing na para bang nakikita niya. "No one would need me..." I whispered. Only my parents... A loud screech of wheels stopped me from talking. Halos mapasubsob ako sa steering wheel.






"Malia! Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Thyro sa kabilang linya.






I revived my breath, hindi ko namalayang natigil pala ako sa paghinga! "I-i'm fine." I stepped on my break, but the car was still moving quickly. "Sh1t!" I hissed.





"What is it? Nasaan ka na? Anong meron?!" Sunod-sunod na aniya.





Napapikit na lang ako ng mariin, at sunod sunod na nagpakawala ng marahas na hininga. "This is what I've been waiting for." I said before ending the call.





Right in front of me was a dead end. With my speed, I don't think I can get away with this.





"Ma, Pa, let's have a nice party there..." I waited for my turn to crash.

1000th Paper Crane (COMPLETED)Where stories live. Discover now