02

19 2 1
                                    


Malia's POV

"Ayane, ikaw muna ang bahala kay Malia ah, uuwi lang ako, aasikasuhin si Mama." Boses ni Thyro ang gumising sa akin.






Hindi parin kami nagkakausap ng masinsinan mula noong araw na malaman niya ang plano ko.






Agad kong itinalukbong hanggang sa ulo ang comforter nang marinig ang papasok na yabag sa kwarto ko.





Napakurap- kurap ako nang marinig ang mabigat niyang buntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik niyang nilisan ang kwarto ko.







"Ano bang problema niya?"







"Ate Malia, gising ka na ba?" Mahinahon na tanong ni Ayane mula sa labas. Ang pinsan ni Thyro na galing pa ng Tokyo papunta dito.





Pinagulong ko ang wheelchair patungo sa aking closet. "Oo, teka, magbibihis lang ako." Madalian akong naghanap ng damit na maisusuot bago tuluyang lumabas.








Maluwang na ngiti ang isinalubong niya sa akin. "Goodmorning!"







"Goodmorning." Bati ko pabalik. "Si T-thy?" Kahit alam ko kung nasaan siya, magtatanong parin ako para hindi halata.






"Bumalik po ng Pilipinas si Kuya Thy Ate." She replied. I know she find it new too. Laging nagpapaalam ng maayos si Thyro sa akin kung may pupuntahan man siya... lalo na kapag binilibilin ako...






I rolled the wheels towards her direction. "May klase ka di'ba? Hindi mo naman ako kailangan bantayan kapag wala ang pinsan mo." Sayang ang araw ng pagpasok.








Napatango siya. "Dalawang araw lang naman po ang itatagal ko ate, uuwi din si Kuya sa Sabado."








"Ah." Nanlumo ako. Umalis talaga siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Dari rati naman gigisingin pa niya ako para lang magpaalam. "Ayane, labas tayo." Nakakabagot manatili dito. Ayokong masayang ang dalawang buwan nang hindi man lang nae-enjoy sa labas.








"Ate, baka pagalitan ako ni Kuya." Nakangusong aniya.







As usual. Sino bang hindi mai- intimidate kay Thyro? "Ako bahala. Tsaka, kaya ko namang pagulungin 'to." Nakangiti kong tugon.








Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ko. She helped he move into my bath tub. That's the scenario when taking a bath. From there, ako na ang bahalang tumapos. Tatawag na lang ulit ako ng tulong kapag aahon na ako.





Nakangiti kong sinalubong ang preskong hangin na tumatama sa aking mukha. "Ayane, may gusto ka bang puntahan? Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong malibot ang buong Hokkaido kahit pa halos isang taon na akong nakatira dito.







Nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Okay lang ba talaga ate?"








"Oo naman." Ginawaran ko siya ng maluwang na ngiti. Una at huling beses na papasyal kasama si Ayane. A farewell tour I guess. "Sige na, minsan ka lang naman pumunta dito, promise hindi ako magpapabigat--"








"Ate hindi ka pabigat."








Napanguso ako. Isa sa mga bagay na ayokong pinapamukha nila sa akin. Ayokong harap- harapan nilang sinasabi na hindi ako nakakadagdag sa alalahanin nila, kahit kita ko naman na sa akin lang sila halos nakatutok. "Ayane..."










1000th Paper Crane (COMPLETED)Where stories live. Discover now