08

5 2 1
                                    

"Ihahagis ko nalang siya sa mismong building ng condo niya." Natatawang ani Aki habang hinihintay si Ayane sa living room.



Napangiwi ako. "Kaya kayo laging nagsasabong eh."




"Siya lang yung mapang-asar kamahalan, hindi ako..." Apela niya.



Wala talaga akong ideya kung paanong pumayag si Ayane na sumabay nalang kay Aki pag-uwi. Eh halos magpatayan sila sa gitna ng park kanina. "Kumain kaya muna kayo bago umuwi..."




"No need, busog pa ako. Tsaka baka magka- energy siyang awayin ako sa daan, huwag ka ng mag-abalang yayain siya." He tsked.




Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya. "Napaka- salbahe talaga."



"Oh ayan na pala." Aniya at tumayo na. "Una na kami, gagabihin kami sa daan kapag nag-aya ka pa." Dagdag pa niya at pinagkadiinan ang salitang gagabihin.




Ayane made a tch sound, darting him a sharp glare. "Bye Ate, Pasabi kay Kuya Raini pagdating nauna na kami, see you two on Saturday!" She said before hugging me.



"See you two." I chuckled. Aki frowned, of course nandito ulit siya sa Sabado. "Mag-iingat kayo okay, huwag kayong magbabangayan sa daan." Bilin ko pa.



They both frowned and left the house. I wish them a peaceful trip, since they are always at war when together...




Mga baliw talaga!



I accompanied them outside. Pumasok agad ako matapos matanaw ang papalayong sasakyan ni Aki.




Napagdesisyunan kong maligo nalang muna habang hinihintay si Raini. Nakalimutan niyang ubos na ang stock dito sa bahay kaka- luto niya. It's already late night, and he suggested to get some of his stock para sa dinner namin, at bukas nalang mamimili.




My forehead instantly creased upon entering my room. Ang nakangiting mukha kasi ni Raini ang bumungad sa akin.




Now I'm wondering what would be Raini's reaction seeing the same figure I'm looking at right now.





Kinilabutan ako. "Creepy..."





Mula sa paghahanda ng damit na isusuot hanggang sa loob ng banyo para maligo, iyon parin ang iniisip ko. Nanlulumo kong ipinatong ang baba sa gilid ng bath tub.




Hindi na siya basta basta lang. "Obsessed na ba ako?" Wala sa sariling tanong ko.





Nagawa ko pang makipag- debate sa hangin habang nag- iisip anong kahibangan na naman ang susunod kong gagawin mamaya para lang makatulog nang hindi iniisip ang nangyari ngayong araw.






***



"Hey!"




"Y-yes?" Nagtataka kong tanong. Bitbit niya sa magkabilang kamay ang sandok at pan. "Saan ka pupunta? Ba't hawak mo yan?"





Napangiwi siya at nagbalak kumamot sa ulo pero hawak niya ang sandok. "Miss, you kinda spaced out... We run out of gas, so U-uh—"




"Wala na?"



"Yeah, s-sa kabila nalang ako magko- cook if it's okay. The meat is still raw so u-uh—"




Invisible face palm. "Pasensya na hindi ko alam."



"Okay lang, s-sa kabila lang muna ako ha—"



1000th Paper Crane (COMPLETED)Where stories live. Discover now