13

2 1 0
                                    


A/N: Spoilers ahead! 🎉




He looks simple in his boyish get up today. Dark blue long sleeve with white polo underneath, dark blue pants and white shoes.



Agad kong itinaas ang camera na nakasabit sa leeg ko at itinutok iyon sa kanya. Naka- flash pa kaya napatingin siya sa akin.



Nakakahiya ka Malia!



Akala ko sasawayin niya ako o maiilang siya— but instead, he gave me poses. Itinago ko sa paghalakhak ang hiyang natamo ko. Sunod- sunod ko siyang kinunan.



"Ang ganda naman ng photographer ko." Aniya at ngumuso.




Napairap ako habang nakatapat parin sa kanya ang camera ko. "Hindi ka naman siguro basketbolista dati no?" I asked, eyes on the cam checking on my shots.




He hummed. "Well, I hate balls. I don't play those usual plays like basketball. Nakakapagod kaya, mabuti nalang at wala sa aming magpipinsan ang mahilig sa mga ganoon..."




Napangiwi ako. Hindi ko alam kung nakuha ba niya ang joke ko o sadyang iniiba lang niya yung usapan! "Fencing o polo siguro mga laro niyo." Mga mayayaman eh.





He immitated the error sound. "Actually my twin cousins are fond of drag racing, or any types of car or motor racing, Baraha is good at swimming, bawal sa kanya ang matamaan ng kahit ano, kaya ball is definitely a no-no..." Aniya at ikinumpas oa ang hintituro.





"Eh si Neji?"





"Is travelling included? I don't really know, basta nakikinood lang siya kapag may game sina Xane at Xage, she likes to travel more— ilang countries ang nililibot kapag bakasyon... Oh! I almost forgot, Ashanty! She loves playing board games."




Wala talagang bola? "Eh ikaw?" Tumingala ako sa kanya.




He gasped. " Well, u-uh I also race when mom's out..."




Weh? "Okay, pagbalik natin ng bahay, show me." I wickedly grinned. Hindi ko nga siya nakikitang mag- drive!





"I-i can't." Umiling siya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magtanong dahil agad niyang iniba ang usapan.




May kinalaman din ba ito doon?




Sakay ng wheelchair, sumunod ako sa kanya palabas. "Eh si Thyro? Volleyball player naman siya noon—"




"Thyro it is," gulat na aniya. "Ayane is a soccer player pala." Natatawang aniya, nakalimutan na ang dalawa. "You wanna hear  trivia on Thyro?" He asked.




I nodded weakly. Gusto ko magreklamo. Iniiba na naman niya ang usapan!




"He has Llanes blood but not a Oleastro." He said.




Llanes? "Apelyido yon ni Tita noong dalaga pa siya diba?" Tanong ko. Yung Mama ni Thyro, Llanes—




He chuckled. "Actually, her surename is Oleastro. Athyra Llanes Oleastro."




Huh? "P-pero paano nangyari yon?" Nagtataka kong tanong. Gulong- gulo na ako sa Oleastro side ng pamilya niya.




Tsaka hindi nasabi ni Thyro sa akin yon! Nakakasama ng loob! Ang tagal na namin magkasama!




Sa dami ng na- kwento ni Raini, ang naintindihan ko lang, adopted daughter si Tita Tara tiyuhin ni Tito Czeck— Adams. Iyon ang apelyido ng ama ni Tita Tara...



1000th Paper Crane (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang