19

3 1 0
                                    

It's been two weeks since I came here. Pangatlong beses nang pumupunta ni Thyro ngayon.



"I'll be staying here for three days. Walang pasok sa Monday dahil may conference ang mga teachers at  school gaganapin." He said specifically na parang elementary kung magsabi.





I leaned on him and hummed.





He's been very vocal on his feelings noong mga unang araw. Ngayon, I can feel that his intention of staying, is for me to have companion.





Purong pagkakaibigan lang.





Naka- display sa monitor ng laptop niya ngayon ang chapter five ng research paper na ginagawa niya.





Hinayaan ko siya kapain ang palapulsuhan ko. Sinukat niya iyon saka ikinumpara sa kamay niya. "Hindi ka siguro kumakain kapag wala ako no'?"




"Ang yabang mo. Nagluluto naman ako." Tsaka pumupunta si Manang Coring dito tuwing gabi para maghatid ng ulam. Kasama niya minsan si Gavin. Yung bunso niya.





"Eh bakit buto't- balat ka?" Nakangiwing aniya at kinurot pa nga ang balat ko sa braso.




Hinampas ko siya nang maramdaman ko ang sakit. Ang pamumula niyon ngayon ang ebidensya ng ka- brutalan niya.





He keeps on teasing me for the next minutes, which is very odd. Hindi naman siya laging nagbibiro.





"Kailan graduation niyo?" Tanong ko. Parang ang tagal tagal na niyang nag-aaral.




"Last week of April or early days of May? Why? Pupunta ka? Sasamahan mo ko sa stage? Pwede naman, sabihan ko sina Mama at Mommy na huwag na akong samahan, ikaw nalang pumunta." Preskong aniya at kinindatan ako.




"Yabang." I murmured.





"But honestly, I really want you with me. Punta ka ah."





I looked at our reflection in his monitor. "Of course. I will." He's been with me anywhere, anytime. I don't think I can ever pay him until the day I die. "May gagawin ka mamayang hapon? Samahan mo ako sa bahay nina Manang..."





I felt him nod. "Sure?"




"It's her husband's birthday. Nakakahiya naman tumanggi." Kung hindi nga lang dumating si Thyro ngayon, baka sunduin din ako ni Gavin para lang siguradong makapunta. "Kaso, medyo malubak nga lang yung daan... K-kaya—"





His soft chuckle made me stop. "Malia. Sanay na ako sa bigat mo, ngayon pa  ba ako magrereklamo?" Taas kilay niyang tanong.





Am I that massive?! " If you think you can get me with this one. No." I've been immuned to his teasing stunts since earlier! "And excuse me! Mas mabigat nga si Aya kaysa sa akin!" Reklamo ko. Malaking bulas kasi ang batang iyon!





"I hate it when we talk like this. We used to be serious!" He groaned amd laugh some more. The humorless laugh.






Pinanliitan ko siya ng mga mata. I can sense something but I don't wanna ask. If there's something I learned, never ask someone how they feel, if they want to share it, and it came out so naturally for them to talk and open up to you comfortably, then let them.





But never ask.





It will come out so awkward.





We decided not to cook since makikikain naman kami. Dito sa bukid, walang theme- theme ang party, kaya ng mga kasuotan namin ay kaswal lang. He is on his beach shorts and a plain white longsleeves, nakatupi hanggang a kanyang siko, while I was in my usual dress below the knee paired with flip- flops. Maputik.





1000th Paper Crane (COMPLETED)Where stories live. Discover now