14

3 1 0
                                    


Kapag masaya ka, magiging mabilis talaga ang oras. Sobrang bilis.



"Sasabay ba kayo sa hotspring Fritz?" Tanong ko nang makarating kami sa lobby ng hotel. Napanguso sa tabi ko si Raini. Inangkin na talaga ang concerns ko!




"H-hindi na ho—"



"Sumama nalang kayo." Si Raini.



"Eh Sir, wala na ho kaming pamalit." Nagkakamot na saad noong isa.



"Bibili tayo." Raini said in finality before walking out.



Nahihiya akong ngumiti sa dalawa at hinayaan silang gawin ang mga gawain nila. Anong character naman kaya ngayon?



Yung cold at bossy na amo?



Napailing ako bago sumunod sa kanya. Kailangan ng ibayong pasensya ng makakasama niya...



We planned checking out hotsprings here. Sabi kasi nila, Tohoku is known for it. May iba pang ino- offer pero masyado ng adventurous ang mga iyon.





Muli kaming nagkita- kita sa restaurant matapos ang isang oras. At sa isang oras na iyon, hindi kami nagpansinan ni Raini... Hindi ko alam kung galit ba siya o trip lang talaga niyang hindi mamansin ngayon araw.





I ordered their specialties, since last day na namin dito sa hotel ngayon. But not the place, we'll probably explore the ryokan inns more.




The table was filled with Wanko Soba, Kiritanpo, Reimen, Gyutan, Imoni and Inaniwa Udon... Highly recommended by google since I don't know anything much here.





Mukha namang masarap lahat, kaya hindi ko alam kung bakit parang nakakita ng multo ang mga kasama ko ngayon. "M-may problema ba? A-ayaw niyo ba? P-pwede naman tayo um- order ng iba..." Natataranta kong sabi.




"Ma'am hindi na ho... Ang dami na nito, iniisip ko baka hindi natin maubos." Si Fritz. Sumang- ayon naman sa kanya ang isa. Si Raini, tahimik lang sa gilid ko. Namumutla na.





"Ganoon din ba ang dahilan mo?" Tanong ko sa kanya. Umismid siya at tumango.




Ganon ba?



Mariin akong napapikit. Napalingon ako sa baso na nasa harapan niya. Patago kong pinaypayan ang aking sarili... Hindi mainit pero yung pisngi ko parang nasusunog.




Am I overthinking or just hallucinating?!


He wanted to watch over me or himself?



Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito ni Raini?!



Panay ang lingon ko sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain. Sabay- saby kaming nagtungo sa inn kung saan nag- book sina Fritz, at hanggang doon, wala ring nagbalak magsalita.





Buong gabi ko ulit hindi naitulog ang tagpong iyon... Kung siya ang makakasama ko araw- araw mamatay ako sa kakulangan sa tulog!




Kinagat ko ang aking pang- ibabang labi para pigilan ng ngiti... Noong pinagbubuntis yata si Raini, pinaglilihi siguro siya sa mixed signals at urong-sulong...




Naunang umalis sa mesa sina Fritz dahil kukunin pa ang sasakyan sa pinag- park-ingan... Nasa likuran ako ni Raini, nakasanuod sa kanya patungo sa lobby ng hotel. Bitbit niya ang mga gamit namin.



1000th Paper Crane (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα