16

4 1 0
                                    

A/N: TARA SA GHOSTER NA NAGPAPAALAM✊😂

Ang init init ng pakiramdam ko. Mainit ang mata ko, mukha, mainit din ang singaw ng katawan ko, nagbabaga yung pakiramdam.



Paulit- ulit kong naririnig ang mga mura sa paligid... pero hindi ko maidilat ng maayos ang mga mata ko. I mumbled his name before passing out.



"Malia, its been two days, kumain ka naman ng maayos." Halos magmakaawa na si Thyro sa harapan ko.



Two days.



Kahapon ako nagising, nasa loob na ako ng hospital. Isang buong araw akong inapoy ng lagnat dahil sa pagpapaulan... kasama ko pa siya no  eh... bakit ngayon wala siya dito?



Nag-init ang gilid ng mga mata ko. May namuo agad na luha. "T-thy g-gusto ko na umuwi." Bulong ko. Gusto ko na umuwi sa Pilipinas para sundan siya. "T-thy uwi na tayo please." Ulit ko habang nakatingin sa kawalan.



Bakit kailangang ganito kasakit?



Sa pagkakataong 'to parang namatayan kang ulit ako... Naiwan ulit ako... Na naman.



Rinig ko ang mabigat na buntong hininga niya kahit hindi ko siya tignan. Hinila niya ang upuan at itinapat iyon sa akin. Umupo siya roon at hinawakan ang magkabila kong kamay.



Napako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kinagat ko ang aking pang- ibabang labi para pigilan ang paghagulgol.




Bakit?



"Fine. We'll go back. But please eat first, huwag mo akong patayin sa pag- aalala please..." Malungkot na aniya.




Sunod sunod akong tumango. Hindi iyon pilit. Gustong- gusto ko na talagang umuwi. "Maraming salamat..." I said sincerely gripping his hands tighter.




Marami pa akong gustong tanungin sa kanya. Kailan nakaalis si Raini? Anong ginagawa niya ngayon? Nasaan na siya? Hindi ba niya ako hinahanap? Hindi ba siya nag- aalala na naospital ako?




I stayed for two more days dahil narin sa request ni Thyro. Pinagbigyan ko ang mga hinihiling niya. Kumain ako ng marami kahit wala na akong gana... Ako pa yung nagpapaalala sa kanya ng oras ng pag- inom ko ng gamot mapabilis lang ang pag- uwi namin.




"Are you going to stay there for good o bakasyon lang?" Tanong niya habang nag- iimpake ng mga gamit ko sa kwarto.




Lantad ang bawat portait ni Raini sa paligid.




I shrugged. Hindi ko rin alam. "Depende sa sadya." Kasi paano kung ayaw na talaga niya sa akin? Paano kung ako lang pala yung nahulog?



He stopped packing my things and heaved another heavy sigh. He shifted on his seat sa kama ko at bahagyang humarap sa akin.



Bakit ba kapag tinitignan niya ako sa paraan na yan eh parang basang- basa niya ako?




Ibinaling ko sa malayo ang tingin ko nang hindi ko na makayanan ang intensidad ng tingin na ipinupukol niya sa akin. This is bad.





He know me too well... Na kahit anong tanungin niya ngayon sa akin, malalim man o hindi, sasagutin ko ng tapat.





He did not say anything. Lumapit lamang siya sa akin at kinulong ako sa yakap niya. My eyes automatically closed. Dumausdos ang luha na pinipigilan ko. His hug comfort and hurt me at the same time.




1000th Paper Crane (COMPLETED)Where stories live. Discover now