12

2 1 0
                                    


"Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng nanny for Lili? Grabe ka na, ang laki ng sweldo mo sa assylum tapos wala kang budget for nanny?"



Narito kami ngayon sa sala, nagpapahinga dahil katatapos lang maligo ni Baby Lili, nasa crib siya ngayon at nilalaro na naman ni Raini.



Umirap si Malia. "Hoy! Bunganga mo nga! Baka kung ano isipin ni Malia sa assylum na yan ah... Mental Facility yon, sabihin mo naman in a nice way Raini."



"Nah— yon na din yun..." Aniya at tinusok- tusok ang pisngi ng bata.



Nasabi na din ni Kaleigh kahapon na nurse nga siya. Pero hindi ko naman alam na sa Mental facility pala.



Napanguso ako.



Sino ba naman ako para magtanong?



Raini chickened. "Ikaw siguro yung dahilan kung bakit hindi na gumagaling yung mga pasyente doon no?"



"Ayy! Salbahe ka na talaga Sir... grabe ka na."



Pero imbes na patupan ng sinabi ni Kaleigh humarap si Raini kay Lili. "Good to know na hindi ka nahahawaan ng mommy ng kabaliwan baby, that's good— huwag kang gumaya sa kanya hmm..."



Natawa kaming pareho ni Kaleigh. Para lang kong nanonood ng asaran nina Ayane at Aki.




"Ikaw ba Malia? M-may monthly check up ka ba sa ano? Kasi alam mo na— Mahirap kapag puro mukha lang no Raini ang nakikita mo." She said meaningfully.




Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng pang-aasar ni kay Raini o para sa akin talaga.




"Huwag kang epal diyan. I know my face is kinda intoxicating and easy to admire, nakakabaliw, pero hindi naman mababaliw si Mal'... Maliban nalang kung ano..." Aniya halos pabulong nalang.



Palihim akong nasamid. Buti nalang at sumabay sa pagkasamid ni Kaleigh kaya alam kong hindi na nila mapapansin iyon.




Nakakahiya talaga!





Wala akong ideya kung saan ba ako dapat mahiya, sa mga indirect jokes ba nila o sa iniisip ko...




After bickering with each other, they shifted in more serious tone, even their topic. Napaayos nalang ako sa kinauupuan dis oras.




Nanatiling nakatitig kay Lili, kung mag- usap kasi sila, parang wala lang ako sa harapan.




"Xane is almost flipping every corners of the Philippines just to see you, see what can you make to those people? Binaliw mo masyado eh." Ani Raini na ikinatawa ng isa.




Kasama parin ba yon sa pag- aasaran nila?



Kaleigh shrugged. "Well, what can I do?"



"Huwag mo ng baliwin ang pinsan ko Kal, grabe ka na, baka imbes na ipasok siya nina Tito at Tita, siya na mismo ang magpasok sa sarili niya sa mental hospital." Raini chuckled hoarsely. "On the other hand, I can just inform him that you're here ne?"




"Subukan mo lang talaga Raikhaen Niall, hindi mo na makikita pamangkin mo—"




"I'd rather risk not seeing Lili so Xane can see her, right baby hmm... your mum here is pretty brutal."




Kaleigh glared at him. I pouted.



"Anong gusto niyong pagkain?" Pagwawala ko sa usapan. Kahit pakiramdam ko kakakain ko palang ng tanghalian.




1000th Paper Crane (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara