CHAPTER 2

3.9K 26 4
                                    

Pagpasok namin sa room halos lahat samin nakatingin, akala mo ngayon lang nakakita ng mala-anghel na mukha pero ugaling demonyo.

Nakita ko si klare sa likod nakaupo kaya lumapit ako sakanya at naupo sa tabi nya. Yung dalawa naman naupo sa likod namin. Akala mo mga anghel sa sobrang tahimik.

" Sap, sis" Bati ko sakanya habang nagbabasa sya ng libro kaya hindi nya napansin na may umupo sa tabi nya.

" Oh your here na pala. Sap, bro." Bati nya at bumalik ulit sa pagbabasa ng libro.

" Costa Leona Series." Basa ko sa librong binabasa nya.
" kaya ang taas ng standard kasi nagpapaniwala ka sa mga librong binabasa mo na hindi naman nag eexist."

Sinamaan nya lang ako ng tingin at nagbasa ulit. Ayaw pa istorbo ni tanga. Kaya wala akong nagawa kong hindi manahimik nalang at baka mabogbog pa ako nito pag nag ingay pa ako. Sakto naman pagdating ng teacher kaya tumigil mona sya sa pagbabasa at pinasok sa bag ang libro.

"Sabay tayong mag lunch at sundoin mo si chloe sa room nila. Sasabay din daw sya." Bulong nito

Luh ginagawa talaga nila akong alila. Lakas ng mga apog ah.

" sige, sasabay din daw sila Austin at Joey satin." kong mag susuffer man ako dapat may ka damay ako. Hindi pwedeng ako lang. Unfair ata yun.

"Whatever, basta wag lang silang maingay at magulo baka makita agad nila sa San Pedro." Kinginang sadista yan. Kababaeng tao pero daig pa ang lalaki kong mag banta.

Natapos ang isang oras na boring na klase. Wala man lang sexy na teacher para naman ganahan akong pumasok.

Humarap ako sa mga tropa kong tahimik sa likod.

" Sabay sabay na daw tayong mag lunch." Kita mo yung takot ng dalawa sa sinabi ko.

" hindi na, dude. Kayo nalang." Sabi ni Austin

" Oo nga, dude." Si Joey naman.

"Gago, samahan nyo ko. Kong magdurusa ako dapat kasama kayo. Atsyaka kong sasabihin nyo sa kapatid ko na hindi kayo sasama baka mapaaga akong pag sundo sainyo ni satanas kasi hindi naman kayo bagay sa langit."

Walang nagawa ang dalawa sa sinabi ko kaya sabay sabay kaming lumabas kasi nasa canteen na si klare. Nauna samin kasi inutusan nya pa akong sundoin si chloe sa second floor ng school.

Habang paakyat kami pinag titinginan kami ng mga babae. Ngumingiti lang ako pero ang dalawang kasama ko ay may pakaway kaway at may pa flying kiss pa, mga siraulo.

"ANG GWAPO MO, KHALIL." nginitian ko lang sya pero akala mo mahihimatay na.

"Austin, marry me."

"Joey, buntisin mo'ko."

Kingina, lalakas ng amats ng mga babaeng to ah. Tuloy Tuloy lang kaming naglakad at narating na namin ang room ni chloe.

"Austin, Joey, dito na kayo. Hintayin nyo nalang ako, ako na papasok." Sumalado lang sila sakin at nag enjoy sa pakikipag landian.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si chloe at nakita ko syang may kausap na babae. Nakatalikod kaya hindi ko kita ang mukha. Lumapit ako sakanya.

"Chloe" tawag ko sa kapatid ko.

"Oh kuya. Bakit ka andito?" Tanong nya.

"Pinapasundo ka ni klare sakin. Sabi nya sasabay ka daw mag lunch samin."

" ah oo nga pala." Bumaling sya sa harap nya kaya napatingin na din ako sa babaeng kinakausap nya kanina.

"Ange, wanna join with us?" Nakangiting tanong nito

"Nah, may kasama na ako." Ngumiti ito sa kapatid nya.

Makinis na mukha, perpektong mga ngipin, mahabang buhok na may kulot kulot sa dulo. Mga dimples na lumalabas kapag ngumingiti sya. Sobrang ganda nya kaya hindi namalayan na kanina pa sya tinatawag ng kapatid nya at nakatingin sakanya ang babae. Kingina goddess.

"Kuya" tawag ng kapatid nya sakanya

"Oh." Gulat na napatingin sa kapatid.

"Para kang asong ulol na nakatingin kay ange." Bulong nito at sinamaan nya lang ng tingin.

"Btw ange, this my kuya khalil, and kuya this Angela Cervantes my bestfriend." Pagpapakilala nya.

Nag lahad sya ng kamay. Pero tinignan lang yun ng dalaga.

" I need to go, chloe. Naghihintay na sakin si Eric." Nagbeso lang ito sa kapatid nya at tumingin sakanya sabay lakad paalis.

Napahiya ako don ah. Maganda nga pero sumplada naman. Hindi man lang kinuha ang kamay ko. Every girl dream na mahawakan ako pero binabaliwala nya lang ang pakikipag kamay ko.

" tigilan mona yang pag de-dream mo dyan kasi may boyfriend na yon, 2 years and counting." Sabi ni chloe

Asawa nga naghihiwalay, mag jowa pa kaya. Angela, what a nice name. Bagay sa ganda nya.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now