CHAPTER 30

1.8K 17 3
                                    

Naupo kaming dalawa sa dining table, nilalagyan nya lang ng pagkain ang plato ko pero hindi sya tumitingin. Nag iigting ang panga nya at masama ang tingin sa pagkain. Pilit kong hinuhuli ang mata nya pero iniiwas nya talaga. Kaya hinawakan ko ang braso nya para matigil sya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Nagulat ako ng biglang napatayo nalang sya.

"Ano bang problema mo?" Nakataas kilay kong tanong

Nakatayo lang sya sa harap ko pero ang mata kung saan saan napupunta. Sa inis ko padabog akong tumayo. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya para mapirmi sakin. Tinignan ko sya sa mata, pinagpapawisan na sya.

"Ano ba talagang nangyayare sayo? Para kang nakakita ng multo kapag sakin ka nakatingin." Nakasimangot kong sabi.

Tinignan nya ako ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko.

"Ano ba yang suot mo?" Nakasimangot nyang sabi.

Kinunutan ko sya at tinignan ang suot ko." Maayos naman ah. Syaka ito lagi suot ko kapag nasa bahay ako."

"Kunti nalang magiging underwear na yan sa sobrang iksi." Sinamaan nya ako ng tingin sabay irip.

Aba! Inirapan ako? Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa pisngi nya at umabante ng kunti. Nakapamewang akong tinignan ko sya ng masama.

"Anong problema mo sa suot ko?"

"Magpalit ka nga don. Para kang bata sa sobrang fit ng mga suot mo."

Tinaasan ko sya ng kilay sa sinabi nya." A.Y.A.W K.O. Kung ayaw mo sa suot ko, umuwi ka sainyo." Sa inis ko padabog akong naglakad paalis don.

"Angela, nag uusap pa tayo." Tawag nya pero hindi ako huminto at tuloy tuloy pa din naglakad palabas ng bahay namin.

Nang nasa labas na ako ng pinto bigla nya akong hinila kaya napaharap ako sakanya.

"Ano?" Nakasimangot kong sabi.

"Nag-uusap tayo bakit ka umaalis?" Malumanay nyang sabi .

Sinimangotan ko lang sya. Tatalikod na sana ako ng hinila nya ulit ako kaya bumagsak ako sa mga dibdib nya. Yinakap nya ako ng mahigpit.

"Sorry, mahal. Hindi ko lang gusto na maraming nakakita ng katawan mo. I'm sorry for being possessive of you." Malumanay nyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko.

Magpupumiglas pa sana ako pero nanghina na ako sa mga hamplos nya hinayaan ko nalang. Yinakap ko din sya pabalik at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib.

"Labas tayo?" Tanong nya.

Tiningala ko sya. Nakangiti sya sakin.

"Saan tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.

"Kahit saan." Nakangiti nyang sabi.

"Mall?" Nakangiti kong tanong

"Anything you want." Pinangigilan nya ang ilong ko kaya lumayo ako ng kunti sakanya at sinimangotan ko sya.

"Let's go." Sabi ko habang nakahawak sa ilong kong pinisil nya.

"Hindi ka magpapalit?" Nakataas kilay nyang tanong.

Tinignan ko naman ang suot ko. Ayos naman tong pang mall ah. Croptop at short short.

"This is fine. Sa mall lang naman eh."

Aangal pa sana sya pero tinaasan ko lang sya ng kilay kaya wala na syang nagawa kong hindi pumayag. Naglakad na kami palabas ng bahay para pumunta sa kotse nya. Nagbilin mona ako sa guard namin na sabihin sa parents ko kapag hinanap kami na nasa mall lang kami.

Tahimik ang byahe, nakahawak lang yung isang kamay nya sa kamay ko habang ang isa ginagamit sa pagmamaneho nya. Ako naman nakatingin lang sa labas at pinagmamasdan ang mga billboards sa paligid. Panay mukha ng Kathniel ang makikita mo halos sa billboards. I'm a big fan of Kathryn and Daniel. I hope to see them up close.

Wala nang nagsasalita samin hanggang sa pagdating namin sa mall. Pag ka Park pinag buksan nya ako ng pinto. Naglakad kami papasok sa mall habang ang mga kamay nya ay nakapirmi sa bewang ko. Maraming tao sa mall, nag ikot ikot lang kami.

"Saan tayo? May gusto kang billing?" Tanong nya

Tumingin ako sakanya." Can we buy a books?"

"Anything you want, let's go." Inalis nya ang pagkakahawak sa bewang ko.

Dahan dahan kong naramdaman yung kamay nya sa kamay ko kaya napatingin ako. Pinag saliklop nya ang kamay namin. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nakataas ang kilay nya at masama ang tingin sa paligid.

"You okay?" Nag-aalala kong tanong.

Tinignan nya ako." Hindi ko gusto ang mga tingin ng lalaki sayo." Masungit nyang sabi.

Binalik nyang ang tingin sa daan. Napatingin naman ako sa paligid at kapag may nakakasalubong kaming lalaki halos dumikit ng mata nya kakatingin sa katawan ko. Napapangiwi nalang ako sa mga tingin nilang parang hinububaran ako.

Nang nakarating kami sa bookstore, pumunta agad ako sa section ng may jonaxx books. I really love the stories of ate j. She had the unique story na hindi nakakasawang basahin paulit-ulit.

Si khalil naman hindi humihiwalay sakin, nakahawak lang ang kamay nya sa bewang ko habang kumukuha ako ng books. I saw the Possessive Series but I won't buy that baka mamaya biglang basahin ni khalil. Cover palang alam mo ng pang Rated 18. I buy that kapag mag isa ko lang nabibili.

Nang makapili na ako ng books, pumunta na kami sa counter para magbayad. Si khalil nagbayad kahit sinabi kong ako na. Hinayaan ko nalang sya kaysa mag away kami. Pagkatapos namin magbayad lumabas na kami agad sa bookstore. Nag usapan namin na kumain mona sa restaurant.

Nang nasa restaurant na kami, pinaghila nya ang ako ng upuan at sya naman tinawag ang waiter. Nilapag ko lang sa tabing upuan ang paper bag na naglalaman ng books.

"What do you want to eat?" Nakangiti nyang tanong sakin.

"Anything." Sabi ko

Sinabi nya na ang order namin. Nang masabi nya na lahat umalis na ang waiter. Hinala nya ang kamay kong nakapatong sa lamesa kaya napatingin ako sakanya.

"You okay?" Nag-aalala nyang tanong.

Napansin nya sigurong kanina pa ako tahimik at nililibot ang tingin sa paligid.

"We always eat here with my parents and ate. I just miss her being around kahit hindi naman kami mag kasundo ever since. Kung alam ko lang na huling yakap kona yon hinigpitan ko pa sana. Hindi ko na sana sya binitiwan." Hindi ko napigilan ang pag iyak pero mahina lang.

"Hey. Shh!." Lumipat sya ng upo sa tabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

Tahimik lang akong umiyak sa balikat nya habang ang dalawang braso at nakayakap sa bewang nya. Ganon ang position namin hanggang sa dumating ang pagkain. Tahimik lang akong kumain habang sya tingin ng tingin sakin.

THE POSSESSIVE MANHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin