CHAPTER 13

1.6K 16 0
                                    

Boyfriend




"Good morning, mom,dad." Humalik ako sa pisngi nila







"Mornin', aalis kana? Hindi ka ba mona mag aalmusal?" tanong ni dad






"Sa school nalang, dad. May tataposin pa kasi akong schoolworks."





"oh, sige ingat."









"Sige, mom, dad." tinignan ko lang si nathalie at naglakad na paalis.









Mawawalan lang ako ng gana kong kakain ako nag sabay sa babaeng yon, kaya kahit wala naman akong tataposin na schoolworks sinabi ko nalang para hindi na sila magtanong.







"Manong guard pabukas po ng gate, aalis na po ako."







"sige ma'am."








Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na palabas. 16 palang ako nong nag enroll sa driverschool para magkaroon ng student license. Kaya may sarili na akong kotse kahit 17 palang ako kasi palaging wala si mommy at daddy para ihatid ako. May driver naman kami pero mas prefer kong mag solo kaysa makasama si nathalie sa iisang kotse. Baka magpatayan lang kami pag nangayare yon.







Hindi ko alam kong saan nanggagaling yung galit nya simula pa pagkabata namin pero hindi ako yung tipo na kapatid na magpapaapi dahil lang bunso ako, no way.









7am pa start ng klase namin pero nakarating na ako sa school 6:30 palang ng umaga. Anaknang hunger strike to. Nagpark na ako ng kotse, nag retouch mona ako kunti at lumabas na ng kotse. Ang uniform namin ay gaya ng mga nasa korean school kaya kapag yuyuko ka parang makikita na buong pagkatao mo pero i really love this outfit. Bagay na bagay sa ganda ng katawan ko, hourglass body.







Sakto paglabas ko ng kotse ay paglabas din ni eric. Kung minamalas ka nga naman oh. Inagahan ko na nga para hindi ko sya makita tapos sabay pa pala kaming dumating. Maglalakad na sana ko paalis ng tinawa nya ako kaya huminto mona ako para hintayin syang lumapit.







" Angela" Nakangiti nyang tawag





Tinaasan ko sya ng kilay nong nakalapit na sya." What?"







"Sabay na tayong pumasok."







Sarap sapakin ng mukha may pangiti ngiti pa. Akala nya natutuwa ako sa mukha nya.








"Bakit? Ang pagkakaalam ko tapos na tayo so bakit ako sasabay sayo?"







"Hindi ako payag kaya tayo pa din." hinawakan nya ako sa kamay pero mabilis ko ding binawi.





"Ha! Woah. Sinong may sabi na kailangan ko ng opinyon mo sa desisyon ko?" tinaasan ko sya ng kilay






Ang kapal naman talaga ng mukha nya, saan ba nakakabili nyan ng makabili naman.







"You can't do about that. Kahit ayaw mo liligawan ulit kita hanggang sa mapatawad mo ako. Alam ko naman na mahal mo pa ako natatabunan lang ng galit."








Hindi naalis sa mukha nya yung ngiti kaya lalo ang naiirita.







"Sinong nagsabi na mahal pa kita?Haha, nagpapatawa ka ba?"






Nakita ko kung paano nag bago ang mood nya, kaninang nakangiti ngayon seryuso ng nakatingin sakin na may kunting galit sa mga mata.







"Mahal mo ako, hindi naman agad mawawala yun sa ilang araw lang maliban nalang kong may iba ka ng mahal? And i doubt that. Alam ko kung paano ka kapatay sakin." mayabang nyang sabi







Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya.





"HAHAHAHAHAHAHAHAHA, naka drugs ka ba? Pinapatawa mo talaga ako. Nag mumukha kang clown sa paningin ko sa pinag sasabi mo."






Tinalikuran kona sya kasi wala namang kwenta ang lumalabas sa bibig nya pero natigil ako ng malakas nya akong hilain kaya napasobsob ako sa dibdib nya.






Nagiging hobby nya ang paghila sakin ah.






"Ano ba? bitaw." tinutulak ko sya pero lalo nyang hinihigpitan yung hawak nya. Para ng mababali yung kamay ko sa hawak nya." bitawan mo ako. Nasasaktan ako, ano ba!." sinigawan kona sya






Kailan ba ako titigilan ng lalaking to? Nakakabanas na ang pag sulpot nya kong saan saan ah.






"Sabing bitaw eh. Eric ano ba. Bitawan mo ako sabi eh." nagulat nalang ako ng biglang napahiga si eric sa sahig sa lakas ng suntok.







"Pag sinabing bitawan mo, bitawan mo. Wag kang mapilit." napatingin ako sa nagsalita at nakita kong galit na galit na nakatingin si khalil kay Eric.







"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam dito?" Nakahawak sa bibig nitong natong.





Sa sobrang lakas ng suntok ni khalil dumugo ang labi ni Eric.







"Sino ako?" Nakatiim bagang tanong ni Khalil at tumingin sakin. Nagulat nalang ako ng hilahin nya ako kaya pasobsob ako sa dibdib nya.




Anaknang ano bang problema nyo sakin at ang hilig nyong manghila. Para ng makakalas yung kamay ko sa katawan ko.




"Ako lang naman ang boyfriend nya." Tumingin sya sakin.





Hindi ko alam ang mukha ko pero alam kong lumaki ang mata ko sa gulat sa sinabi nya. What the hell. A-ano daw, bo-boyfriend? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?





Hindi nya na hinintay makapag react si Eric at hinila na ako paalis sa parking lot ng school.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now