CHAPTER 11

1.6K 14 0
                                    

Beautiful

Seeing a beautiful like this makes me calm. Para lahat ng mga iniisip ko na wala. Nakaupo sa sand habang nakatingin sa langit




Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya niligon ko. Si khalil pala at nakatingin din sya sa langit.




"Ayos kana ba?" tanong nya.



Nakatingin pa din sya sa langit kaya ganon din ang ginawa ko.





"Bakit hindi naman ako magiging maayos?"





"Klare, told me what happened with you and eric. Hindi naman nya gustong sabihin pero mapilit ako kaya wala syang nagawa kong hindi sabihin."




"Honestly, I'm not okay. Hindi pa din nag si-sink in sakin kung bakit nya nagawa yon pero alam kong magiging okay din ako." nakangiti sabi ko habang nakatingin parin sa langit.




Naramdaman kong lumingon sya sakin pero nanatili pa din ang tingin ko sa langit.




"Magiging maayos ka din. Alam kong malakas ka at kakayanin mo lahat."



Malakas nga ba ako? Mukhang hindi eh.


Tinignan ko sya at pilit na ngumiti." Sana."





Tumingin ulit ako langit para pakalmahin ang sarili kong hindi kayang tumitig sa mga mata nya. Ano bang nangyayare sakin?





" Bakit ka pala nandito?" tanong ko





"Ayaw mo bang nandito ako?" Nilingon ko sya at naabutan kong nakatingin din sya sakin. Nginitian nya ako kaya hindi ko napigilang mapatitig sa mga mukha nya.



Hindi ko alam kong ilang minuto akong natigil sa pagtitig sakanya nabalik lang ako sa wisyo ng tawagin kami ni klare.




"Ange,Khalil. Let's go luto na ang barbecue."




Nagmamadali lang akong tumayo at naglakad paalis pero natigil ako ng mag salita sya.





"Beautiful." napatingin ako sakanya at nakita ko syang nakatingin sakin.




Sa sobrang pagkamangha ko hindi ako nakalakad kaya nauna na syang naglakad habang nakapamulsa.




Anaknang, Angela wake up. Katatapos mo lang sa failure relationship kaya tigilan mo yan. Kastigo ko sa sarili ko.





Sumunod na ako sa paglalakad nya.





Naupo ako sa tapat ni klare at chloe. Umupo naman si khalil sa tabi ko.





"Anong pinag usapan nyo? Nag sosolo talaga kayo ah." kantyaw samin ni chloe.





"Huh? Wa-wala ah." Kingina bakit ba ako kinakabahan. Nauutal utal pa talaga ako. Nakakahiya.



"oh bat nauutal ka?" Tigilan mo'ko chloe baka masapak kita ngayon



Sinamaan ko sya ng tingin para matigil sya sa kung ano mang iniisip nya.





"Tigilan mona, chloe. Pakainin mona si angela." Saway ni khalil sa kapatid nyang walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-ano.





Napalunok ako ng banggitin nya ng buo ang pangalan ko. Parang ang sexy kapag galing sa mga bibig nya. Parang nanuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig.




"Pa goodboy ka kuya ah."



Napatingin ako kay khalil at nginitian nya lang ang kapatid nya. Naramdaman nya atang nakatingin ako sakanya kaya tumingin din sya sakin. Sa gulat ko napalaki ang mata ko at umiwas ng tingin.





Woah ang init. Pinaypayan ko ang sarili ko. Feeling ko ang init ng buong mukha ko sa kahihiyan.





"Tigilan mona yan, chlo. Kumain na tayo." seryuso sabi ni klare.





Kaya wala syang nagawa kung hindi kumain nalang at hindi na nagtanong. Alam kong takot sya sa ate nya at lahat ng sasabihin nito ay sinusunod nya.




Natapos naming kumain napag isipan naming lumangoy, nauna na si chloe at klare. Pinahiram nya ako ng swimsuit kasi wala akong dala. Nagbihis ako sa loob ng cr, nilugay ko lang ang buhok ko at lumabas na ng cr ng nakabihis na.





Paglabas ko nagulat ako na bumangad si khalil nakatayo at nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Napansin nya sigurong may lumabas sa cr kaya napatingin sya sakin.



Dahan dahan syang lumapit at tumingin sa mata ko.




"Let's nauna na si chloe at klare. Hinintay na kita para sabay na tayo." nakangiting sabi nya.



Oh my god. Tigilan mo ang pag ngiti.


Tumango lang ako at naunang naglakad. Alam kong nakasunod lang sya sakin.


Ano ba naman to. Akala ko makakaiwas na ako sa pag iisip pero parang lalong lumala ang pag iisip ko dahil sa ginagawa nya.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now