CHAPTER 8

2K 22 0
                                    

Fight

Hinatid nya lang ako sa labas at hinintay makapasok sa gate bago umalis.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko agad sila mom at dad nakaupo sa sofa habang nanunuod ng netflix.

Naglakad ako papunta sakanila sa ingay ng takong ko kaya napatingin sila sakin. Nginitian ko kasi sila at nagbeso paglapit.

"Tapos na kayo sa project nyo, baby?" nakangiting tanong ni mom.

Project? Ah baka yun yung sinabi ni klare para hindi na magtanong ang parents nya kong bakit hindi ako nakauwi kagabi.

" Oum." ngiting sabi ko.

" Pagod ka ba?" malumanay na tanong ni dad

"yes, dad. Can sleep here for a while?" naglalambing ko sabi at naupo sa gitna nila.

Yinakap ko si mommy at pinahinga ang ulo ko sa balikat nya.

" Mukhang pagod nga ang baby natin."

Hinagod ni mommy ang buhok ko kaya napapikit ako. Nakahawak naman si dad sa kamay ko.

"You should sleep sa kwarto mo, angela." malumanay na sabi ni daddy

Umiling lang ako at yinakap ng mabuti si mommy.

Narinig kong natawa si mommy sa ginawa ko.

"oh ang baby ko naglalambing." Yinakap din ako ni mommy

Sobrang gaan ng pakiramdam ko habang sa tabi nila. Parang naibsan yung bigat ng nararamdaman ko habang nasa mga bisig nila ako.

Pero ng marinig ko ang boses ni nathalie bumalik lahat ng bigat.

"oh andyan na pala ang paboritong anak." Sarcastic nyang sabi.

"Anak, ano bang sinasabi mo? Walang paborito parehas namin kayong mahal ng daddy mo." malumanay na sabi ni mommy.

Kumalas ako sa yakap ni mommy at umayos ng umupo. Tinignan ko sya sa mata.

" Whatever, mom."

" wag mong sinasagot ang mommy mo ng ganyan nathalie." may diin na antas ni daddy

Tinignan ni nathalie si daddy at lumipat sakin. Nakita ko yung galit sa mata nya. Bakit sya sakin magagalit? ako dapat ang nagagalit sakanya dahil sa ginawa nya.

" I hate you." sigaw nya at nag lakad paalis

"Nathalie." sigaw ni daddy

Tatayo na sana si daddy para sundan si nathalie pero pinigilan sya ni mommy.

" Tama na,hon. Alam mo naman ang ugali ng anak natin na yon. Hayaan mona." hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy

" Hindi eh, sumosobra na yung bata na yon." Galit na sabi ni dad

Hinawakan ko si mom at dad para mag paalam na aakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.

" Mom, dad." malumanay na napatingin si dad at mom sakin." aakyat na po ako. Mag papahinga na ako. Napagod pa kasi ako sa ginawa namin." nginitian ko sila

" Sure, baby." ngiting sabi ni mom

Tumayo na ako at bago umalis humalik mona ako sa pisngi nila.

Matamlay akong naglakad paakyat pero nahinto ako nong nakita ko si nathalie sa labas ng kwarto ko habang masamang nakatingin sakin.

Tuloy- Tuloy akong naglakad at lalagpasan na sana sya pero malakas nya akong hinala paharap sakanya.

" Pabida ka talaga eh. Sa lahat ng bagay ikaw ang ginagigiliwan ni mommy at daddy. Ikaw ang anghel ako naman yung pariwarang anak na wala ng ginawa kong hindi gumawa ng gulo." Galit na sabi nito.

Kita ko yung galit sa mukha nya pero dahil wala akong ganang makipag sagotan kanya tinignan ko lang sya at binawi ang braso kong mahigpit nyang hawak.

Maglalakad na sana ako papasok ng kwarto ng bigla nyang hilahin yung buhok ko kaya napaharap ako sakanya at kasabay non ang malakas na sampal sa mukha ko.

Sa gulat ko hindi ako nakapag salita.

" Kinakausap pa kita kaya wag mo akong tatalikuran." Duro nya sakin.

" What the hell, ano bang problema mo huh?" sigaw ko habang nakahawak sa mukha kong sinampal nya.

" Problema ko? Ikaw. Lahat nalang ng gusto ko inaagaw mo. Ang parents natin at si eric." sigaw nya.

Nababaliw na sya.

"Wala akong inaagaw sayo. Si eric ay akin pero anong ginawa mo? Nilagyan mo ng gamot ang inomin nya para maikama mo? Ganyan kana ba talaga ka desperadong maagaw sya sakin?" sigaw ko

Lahat ng kinimkim kong galit lumabas na. Alam kong maririnig nila mommy at daddy ang sigawan namin.

"oo, kasi alam kong ako ang mahal nya, hindi ikaw."

Nababaliw na talaga sya. Pagak akong natawa sa sinabi nya.

" ilusyonadang malandi. Kahit kailan hindi kanya napansin. Napapansin ko lang nya kapag nandyan ako pero pag wala ako baliwala ka lang sa paningin nya." may diin na sabi ko.

Nakita ko yung galit sa mata nya. Hindi na ako nagulat ng sabonan nya ako. Hindi ako papatalo kaya sinabonan ko din sya.

"Ahhh mang aagaw ka." Sigaw nya.

"Malanding may determinasyon." sigaw ko pabalik

"Anong nangyayare dito? Nathalie, angela." Sigaw ni dad

Lumapit si mommy sakin at si dad naman kay nathalie. Pinaglayo nila kami.

Magkaharap kami ni nathalie ngayon at masamang nakatingin sa isa't-isa. Kung hindi lang hawak ni daddy si nathalie baka sumugod na naman ito.

" Ano bang nangyayare sainyong dalawa?" Tanong ni mommy habang palipat lipat ang tingin saming dalawa.

"Tanongin nyo yang suloterang babaeng yan." galit na sabi ko.

Masama lang nakatingin sakin si nathalie habang mahigpit syang hawak ni daddy.

" Angela, wag mong tawagin ang kapatid mo ng ganyan." may bantang galit sabi ni mom.

" Tanongin nyo yan." inalis ko ang pagkakahawak ni mommy sakin at naglakad papasok sa kwarto ko.

"Angela" tawag ni mommy pero tuloy tuloy lang ako naglakad papasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at umiyak. Ramdam kong sumunod si mommy sakin at umupo sya sa kama.

" ano bang nangyare, angela?" malumanay na sabi ni mommy.

sa sobrang lumanay para akong hinehele kaya lalo akong naiiyak. Lumapit ako sakanya at yumakap sakanya ng mahigpit.

"Mommy." tawag ko habang umiiyak sa balikat nya.

"shhh, baby." hinagod nya ang likod ko at buhok." anong problema?"

hindi ako nakapag salita at umiyak lang ng umiyak sa balikat nya. Akala ko ubos na ang luha ko sa pag iyak pero marami pa pala.

"shhh, kong wala ka pang balak magkwento hihintayin ko hanggang sa handa kana. Tama na, baby. Naiiyak na din ako."

My parents is may safe place. Kahit anong problema alam kong nandyan sila para alalayan ako at gabayan.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now