CHAPTER 14

1.5K 15 0
                                    

Pretend



Nong nakalayo lang kami nag sink in sakin yung mga sinabi nya sa harap ni Eric. Boyfriend? What the fuck.






Hinila ko ang pagkakayakap nya sa kamay ko at tumigil sa paglalakad. Tumigil din sya at hinarap ako.







"Bo-boyfriend? Kailan pa kita naging boyfriend, bakit wala akong alam?" Mahina kong sabi para walang ibang makarinig.






"Sinabi ko lang yun para tantanan ka nya." Nakapamulsa sya nyang sabi.






"Nababaliw kana ba? Paano kong may ibang narinig don, ha? Paano na ang pangarap kong grumaduate ng Senior ng tahimik kong madidikit sayo ang pangalan ko?" Lalo akong naiinis sakanya kasi mukhang natutuwa sya sa nangyayare. "May nakakatuwa ba sa nangyayare ngayon?" singhal ko sakanya.





Para syang nakangiti habang ako naman nag aapoy sa galit.





"Oo, ang kyut mong magalit." Nakangiti nyang sabi.




Naramdaman ko nalang na uminit ang pisngi ko kaya hinawakan ko. Yumuko ako para hindi nya makitang nagblu-blush ako sa sinabi nya.





"Heh, Tantanan mo ako, khalil. Hindi ako madadala sa mga pa kyut mo." nakayuko pa ding sabi.






"Ulitin mo nga ang sinabi mo." seryuso nyang sabi kaya tiningala ko sya.






Nakita ko sa mata na nya na seryuso sya. Ulitin ang alin?Ano bang sinabi ko para mag seryuso sya ng ganyan.






"Huh? Ulitin ang alin?" nakataas na kilay na tanong ko.








" Yung pag banggit mo ng pangalan ko. Unang beses mong binanggit ang pangalan ko."







"So?" Nagtataka kong sabi.





Nababaliw na din ba sya? Ano naman ngayon kong binanggit ko pangalan nya? Parehas sila ng utak ni nathalie, mga may saltik.







"Ang ganda pakinggan pag galing sa mga bibig mo. Damn, I think i'm inlove." nakagat labi nyang sabi habang nakatingin sakin.






"ba-baliw kana." Tinalikuran ko na sya kasi hindi kona kaya yung mga titig nya baka matumba nalang ako kapag nagpatuloy pa sya sa pagtitig sakin.






Nahinto lang ako ng hilahin nya ako.








"Ano bang problema nyo at ang hilig nyo akong hilahin? Para na akong makakalas sa mga hila nyo eh."





"Sumama ka sakin."








"At saan na naman? Bitiwan mona nga ako halos lahat nakatingin na satin." Yung mga tingin ng mga babae sakin parang hinuhusgahan na buong pagkatao ko.





Ito na nga ba sinasabi ko eh. Paalam sa buhay na mapayapa.







"Sa gym, kakanta kami ngayon at dapat manuod ka."






Aba disyon ka? Kaano ano ba kitang tukmol ka?






" May pasok ako. Kaya bitiwan mona ako at papasok pa ako."






Tumigil sya bigla kaya tumama ako sa dibdib nya. Anaknang hindi manlang nagsabi na hihinto sya. Tiningala ko sya habang nakahawak sa ulo kong tumama sa matigas nyang katawan.






"Nasa gym lahat. May bisita ang school ngayon kaya pinapunta lahat sa gym."




Eh bakit hindi ko alam? Hindi manlang ako sinabihan ng mga kaklase ko.





"Kung wala naman palang pasok, uuwi nalang ako. Nakakatamad makinig sa mga sasabihin nila, puro naman walang kwenta. Sige na mauna na ako." Tumalikod na ako para sana bumalik sa parking lot para makauwi na pero nahinto ako ng hilahin nya ako ulit.





"Sasama ka sakin." anaknang




"Ano ba uuwi na ako." Pilit kong tinatanggal pagkakahawak nya sa kamay ko pero lalo nyang hinihigpitan.




Pinapalibutan ako ng mga taong may saltik sa utak. Wala na akong nagawa kong hindi magpahila sakanya at sumunod.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now