CHAPTER 29

1.3K 12 1
                                    

Ilang beses kong pinaki-usapan ang parents ko na dumalaw ako sa puntod ng ate ko pero hindi sila pumayag kasi mahina pa daw ako. Kaya nag pagaling ako at nagpalakas para mapuntahan kona sya. Isang linggo din ang tinagal namin sa hospital simula ng nagising ako. Nasa tabi ko lagi si khalil para alalayan ako at pagaanin ang pakiramdam ko. Nang pinayagang makalabas dumiretso agad kami sa puntod ni ate.

Kasama ko si khalil pero sabi ko maghintay nalang sya sakin sa kotse. Nong una ayaw nya pero napilit ko naman. Nandito ako sa harap nakaupo at nakahawak sa puntod nya.

"Nathalie E. Cervantes, May 7,2000-June 18, 2016. May you rest in peace." Binasa ko ang nakalagay sa lapida nya.

"Ate, nandito na ako. Sorry kong ngayon lang. Namiss mona ako? Kasi ako, namimiss na kita. Sobrang miss na miss na kita. Kung sana ako nalang nag drive, sana buhay ka pa. Ate, kamusta ka dyan? Masaya ka ba? Kasi kami dito nalulungkot at hindi parin matanggap na wala kana. Bata ka pa eh. Gusto ko pang bumawi sayo." Hindi kona napigilan ang sarili ko at umiyak

Tumayo ako at tumingala ako sa langit. Tinaas ko ang kamay ko na parang inaabot ang langit.

"Ate, gusto pa kitang hawakan at mayakap. Please, balik kana. Hindi kona kaya, ate."Sa sobrang panghihina ko napaluhod nalang ako sa damo.

Tahimik na umiyak na umiyak. Tatlong minuto yata akong umiyak don sa harap ng puntod nya. Nang mahimasmasan tumayo na ako para mag paalam sakanya.

"Ate, aalis na mona ako. Babalik ako, pangako." Tumalikod na ako at pinunasan ang mga luha gamit ang mga kamay ko.

Habang naglalakad ako palayo sa puntod nya pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Nang makalapit na ako sa kotse namin, mabilis akong yumakap kay khalil. Mahigpit ko syang yinakap at umiyak ng umiyak sa bisig nya.

"Shh, tahan na." Hinahagod nya ang likod ko para pakalmahin ako sa pag iyak." Tahan na, mahal. Makakasama sayo ang sobrang pag-iyak hindi ka pa masyadong magaling."

"Si ate.........kasalanan ko to eh. Kung sana.... ako nalang... yung nag drive." Pahikbi hikbi kong sabi.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya. "Shh, wala kang kasalanan, okay? Aksidente ang nangyare, walang may gusto non." Bumitaw sya sa pagkakahawak sa balikat ko at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko.

Tinignan ko sya gamit ang mata kong wala ng makita sa sobrang pag-iyak. Pinunasan nya ang mga luha ko at hinala ako para mayakap ulit. Ilang minuto kami sa gaanong ayos bago napag pasyahang umuwi na. Hinatid nya ako sa bahay hanggang sa loob ng kwarto ko. Hinintay makatulog para makauwi na

"Ate!."sigaw ko at biglang bangon.

Nakita ko si mommy sa tabi ng kama ko nakatingin sakin. Nagising ako sa masamang panaginip.

"Ayos ka lang, Anak? Kanina pa kita ginigising kasi panay ang ungol mo." Nag alalang sabi ni mommy

Tahimik lang akong lumapit sakanya at yumakap.

"Mommy, si ate humihingi sya ng tulong. Tulungan po natin sya. Hinihintay nya tayo." Umiiyak na sabi ko.

"Anak, panaginip lang yon. Tama na." Hinagod nya ang likod ko para pakalmahin ako." Andito lang ako, babantayan kita."

Dahan dahan nya akong hiniga sa kama, kinumutan at hinaplos ang buhok. Nakatingin lang ako sakanya.

"Matulog kana ulit, dito lang ako sa tabi mo." Nakangiti sya pero ang mga mata nya sobrang lungkot.

Dahil sa mga haplos nya pumikit ako at dahan dahang nakatulog.

Nagising nalang ako sa ingay na nanggaling sa dalawang taong nagsasalita.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now