CHAPTER 28

1.3K 17 1
                                    

Nagising nalang ako sa puting kwarto at maraming aparatong nakasaksak sakin. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto, mukha nasa hospital ako. Dahan dahan akong gumalaw para makaupo sa armrest ng bed. Masakit pa ang buong katawan ko.

Napatingin ko sa may pinto ng may biglang may pumasok. Nakita ko ang gulat sa mukha nya ng makita ako. Nabitawan nya pa ang dala nyang pagkain. Ilang segundo mona nya ako tinitigan bago dahan dahan na naglakad palapit sakin.

Naupo sya sa tabi ng higaan ko at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko sya, nakikita sa mata nya ang pag-aalala.

"Hey." Nakangiting bati nya pero may unti-unting pumapatak na luha sa mga mata nya.

"Hey." Mahina kong sabi.

"Kamusta ka? May masakit ba?" Malumanay nyang tanong.

"Wala naman, ilang oras akong nakatulog?"

"It's not hours, 2 weeks ka nang walang malay kaya sobrang nag-aalala kami." Malungkot nyang sabi.

Wala akong ibang matandaan kong hindi yung mga dugo at si nathalie. Nathalie?

"Si ate? Kasama ko sya. Nasaan na sya?" Natataranta kong tanong sakanya. "Si ate, khalil? Ayos lang ba sya?"

Hindi nya ako matignan sa mata kaya lalo akong kinakabahan sa mga kinikilos nya.

Hinawakan ko ang kamay nya." Ayos lang sya diba?" Nagmamakaawang kong sabi." Sabihin mo sakin, na maayos lang ang ate ko." Naiiyak na sabi ko.

Lumapit sya sakin, nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya at hinaplos ang buhok ko.

"Mag pahinga ka mona, mahina ka pa." Malumanay nyang sabi.

Tiningala ko sya." Si ate, maayos lang naman sya diba?" Nakangiti kong sabi pero may luhang pumapatak na sa mga mata ko.

"She's....Angela...Your ate is...." hirap na hirap nyang sabi.

"Oum? Nasaan sya?." Tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Mahal...wala na ang ate mo." Malungkot nyang sabi.

Parang biglang gumuho yung mundo ko ng marinig ko yon. Bigla akong nanghina. Umiling iling ako.

"No.. she's not..died. Please, tell me na nag sisinungaling ka lang. Please. " Umiiyak na sabi ko.

Yinakap nya na ako ng mahigpit, napahawak na ako sa braso nya. Iyak ng iyak.

"No.. ate!" Sigaw ko habang Umiiyak.

"Shhh, please, calm down! Mahina ka pa." Malumanay nyang sabi.

"Kailangan kong puntahan ang ate ko. PLEASE, Mahal samahan mo'ko." Tiningala ko sya at ngumiti pero hindi pa din tumitigil ang pag patak ng mga luha ko.

Hindi sya nag salita kaya nag pumiglas ako sa yakap nya at pinilit na kumawala. Kailangan ako ng ate ko. Baka nalulungkot na sya ngayon.

"Aalis na ako, pupuntahan ko sya. Bitiwan mo." Sumisigaw kong sabi habang nagpupumiglas sa hawak nya.

"No. Dito ka lang." May pinindot sya sa tabi ng kama ko, at sabay sabay na pumasok ang lalaking doctor at dalawang nurse.

Hinawakan nila ako, habang nagpupumiglas sa hawak nila lumapit ang doctor sakin at may tinurok sya na nagpahilo sakin. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko. Kasabay non ang pagdilim ng paningin ko.

Nararamdaman kong may taong gumagalaw sa loob ng kwarto at naririnig ko ang mahinang paghikbi. Hindi mona ako dumilat at pinakiramdaman ang nasa paligid.

"Ang anak natin, De." Naririnig kong boses ni mommy

"Magiging maayos din sya. Tiwala lang." Malumanay na sabi ng lalaki at alam kong si daddy yon.

"Hindi kona kakayanin ang mawalan pa ng isang anak, mamatay ako pag pati Angela mawawala satin."

"Shh, hindi mawawala ang anak natin satin."

Nang tumagil na ang ingay, dumilat na ako. Nakita kong nakahawak sa kamay ko si khalil habang nakayuko. Naramdaman nya atang gumalaw kaya umayos sya ng upo. Hindi nya pa din binitiwan ang kamay ko. Nginitian nya ako at hinaplos ang buhok ko gamit ang isang kamay.

"Hey, your awake."

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang parents kong nakaupo sa sofa. Magkayakap, ng nakita nilang gising na ako dali dali silang lumapit kaya binitiwan ni khalil ang kamay ko. Naupo si mommy sa upuan ni khalil at hinawakan ang kamay ko si daddy naman nasa likod ni mommy nakahawak sa armrest ng upuan.

"Hey, baby. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Malumanay na tanong nya

Tumango ako at ngumiti. "Maayos na po ako, mommy at daddy. Wag na po kayong mag-alala."

"Buti naman, Anak. Nag-alala kami ng daddy mo sayo."

"Si ate po?" Nakangiti kong tanong.

Tumingin si mommy kay daddy. Malungkot silang bumaling sakin at bigla nalang umiyak si mommy.

"Ang Ate mo.....wala na sya anak. Masyadong malakas ang pag tama ng ulo nya sa salamin ng kotse ko at maraming dugo ang.....nawala." Umiiyak na sabi ni mommy kaya yinakap sya ni daddy.

Nawala yung ngiti ko, akala ko panaginip lang yon. Akala ko hindi yon totoo. Hindi pwedeng mawala ang ate ko. Kailangan pa nya ako, marami pa syang gustong gawin. Gusto ko pang makitang maging masaya ang ate ko.

Hindi ko napigilan at umiyak ako ng umiyak.

"Ate!" Sigaw ko

Dahil sa pag iyak ko lumapit sakin si khalil at yinakap ako ng mahigpit.

"Me, de, gusto pong......puntahan ang ate ko. Baka hinahanap nya na ako." Umiiyak na sabi ko.

"We well anak. Pero mag pahinga at mag pagaling ka mona. Kailangan mong maging malakas para samin."

Ilang minuto akong umiyak ng umiyak sa bisig ni khalil ng hindi kona makayanan bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Narinig ko ang boses ni mommy, daddy at khalil na tinatawag ako pero naghihina na ako kaya napapikit nalang ako.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now