CHAPTER 26

1.3K 13 0
                                    

Nag tagal kami ng isang oras sa guidance office, tinanong nila kami kong anongyare at sinagot naman namin. Buti nalang pinagsabihan lang kami at hindi na pinatawag ang parents namin, kung hindi baka parehas kaming na sabon.

Nag sorry naman si khalil sa nangyare. Umuwi ako ng bahay at nadatnan ko si nathalie nakaupo sa sofa. Nang nakita nya ako tumayo sya at kinuha ang bag.

"Oh Tara na, tagal mo." Nakataas kilay nyang sabi.

Baho ng trip mo. Hindi manlang ako tinanong kong sasama ba ako. Lakas talaga ng amats nito. Kulang ata sa buwan to nong pinanganak ni mommy o pinanganak sa sama ng loob.

"Hindi mo manlang ba ako tatanongin kong sasama ako?" Nakataas kong kilay kong tanong.

Magkaharap kami ngayon. Naka cross-arm sya habang nakasabit sa kabilang braso ang backpack nya.

"Sasama ka naman talag." Nakangisi nyang sabi.

Hayy pagod na akong makipagtalo kaya tumango nalang ako at naglakad na pupunta sa kwarto ko para makapagbihis.

"Oh saan ka?" Tawag nya.

Huminto ako pero hindi na ako humarap para masagot sya.

"Magbibihis ako. Hintayin mo nalang ako sa labas."

Pagkasabi ko non tuloy tuloy na akong umakyat para makapunta kwarto ko. Nang makapasok ako dumiretso na ako sa walk in closet ko para kumuha ng damit ko.

Pinili ko ang pants at croptop, pinartner ko lang sa rubber shoes ko. Nag pusod lang ako ng buhok at pulbo. Bago ako lumabas nag text mona ako kay khalil na lalabas kami ni nathalie. Hindi ko sinabi ang lugar kasi hindi ko din naman alam kong saan kami pupunta.

Nang matapos ako sa lahat lumabas na ako. Nakita ko nathalie nakahalukipkip sa sofa. Nang makita nya ako ay mabilis syang tumayo.

"Tagal mo." Inirapan nya ako at naglakad na palabas.

Wow! Grabe yun ah.

Nang makalabas ako nakita ko sya nakasandal sa harap ng kotse ko.

"Buksan mona."

Aba.

Inirapan ko lang sya at pinatunog na ang kotse ko para makapasok sya. Nasa frontseat sya at malamang ako magdridrive.

"Saan ba tayo?" Tinanong ko sya habang inaayos ang pagkakalagay ng seatbelt sakin.

"Amusement Park."

Tinignan ko sya pero ang tingin nya ay sa harap.

Anong trip nito? Bakit kami pupunta don?

"Gagawin natin don?"

Tumingin sya sakin." Mag dadasal. Duh! Ano bang ginagawa sa Amusement Park?" Inirapan nya ako at bumaling na ulit ang tingin sa harap.

Umaling nalang ako at hindi na nagkomento. Baka mag away lang kami kung magtatanong pa ako. Tahimik lang ako drive. Si nathalie naman pinapakaalaman ang Bluetooth ng kotse para iconnect ang phone nya. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya.

Mukhang broken hearted kasi panay moira dela torre ang music nya.

"Broken ka ba?" Tanong ko pero ang tingin sa daan pa din.

"Oo, kasi yung gusto ikaw ang gusto." Walang gana nyang sabi.

"Gusto mo yan eh. Kung hindi ka ba naman gaga na kinama yung boyfriend ko."

"Ayos lang." Nakahalukipkip nyang sabi "kaysa ikaw naman ang masaktan." Mahina nyang sabi kaya medyo hindi ko narinig.

"Huh?" Tumingin ako saglit sakanya

THE POSSESSIVE MANNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ