CHAPTER 21

1.4K 20 0
                                    

Date

Kahit marami akong naririnig na hindi magagandang salita hindi ko pa din binitiwan ang kamay nya. Nararamdaman ko ang pagkuyom ng kamay nya kaya hinigpitan ko lang para pakalmahin sya. Tinignan ko sya at nginitian pero hindi parin nawawala yung galit sa mukha nya hinila ko na sya kung nasan sila Klare nakapwesto.

Lahat napapalingon kapag nadadaanan namin. Buti nalang medyo malapit na kami sa kinaroroonan nila klare baka kasi pag nagtagal maubos na pisi ng lalaking to at manuntok nalang bigla.

"Hey, ange, asungot. Here." Tawag ni klare habang kumakaway.

Nginitian ko sya at binilisan maglakad. Nang makalapit kami pinaghila pa ako ni khalil ng upuan. Nginitian ko sya pero hindi pa din naaalis ang pagkabusangot nya. Nang makaupo na ako, naupo na din sya sa tabi ko. Tahimik lang sya sa tabi ko kaya hinawakan ko ang kamay nyang naka kuyom sa ilalim ng lamesa. Napatingin sya sa kamay naming magkahawak at tumingin sakin. Ngumiti ako para sabihin na ayos lang.

"Anyare dyan?" Tumingin ako kay klare sa tanong nya at nakita kong nakanguso sa kapatid nyang nasa tabi ko.

"Nabadtrip ata." Simpleng sagot ko.

"Baka nagtampo. Kanina ka pa nya hinihintay eh. Hindi ka daw sumasagot sa tawag at text nya. Kinukulit nga ako kung nagtext ka ba sakin. Sabi ko wala."

Napatingin ako kay khalil sa sinabi ni klare. Napapangiti nalang ako paano nya ako hanapin. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya kaya napabaling sya sakin at ngumiti na. Nahahawa ako sa ngiti nya. Naputol lang ang pagtitigan namin ng umubo ang mga kasama namin. Ngayon ko lang napansin na nandito din pala ang barkada nya.

"Ano yan ah? Bakit may pa ganyan na, wala pa namang kayo? Ay iba din." Kantyaw ni klare.

"Shut up." Masungit na sabi ni Khalil

"Aba tapang mona ah. Parang dati lang nanginginig kapag nakikita ako ah." Maangas na sabi ni klare.

Lahat kami natawa sa sinabi nya. Totoo naman kasi ja under sya sa ate nya. Nakikita nya palang si klare na seryuso natatakot na sya.

"Wala ka pala, pre eh." Tumatawang sabi ni Austin

"Under ka pala eh." Tumatawa ding sabi ni Joey

"Klare lang sakalam." Si Austin

Sana inis ni khalil pinagbabato nya ang tatlo ng tissue na hawak nya. Hindi pa din matigil sa pagtawa ang tatlo. Ngumingiti lang ako sa ginagawa nila. What a perfect group.

"Parang kayo hindi takot sa amazona na yan ah." Turo nya kay klare na cool nakaupo.

"Hindi ah."

"Hindi kaya.

"Hindi."

Sabay sabay nilang sabi pero ng tinignan sila ni klare lahat sila nag iwas ng tingin kaya sabay kaming tumawa ni khalil.

"Hindi pala ah. Ulol nyo." Natatawang sabi ni khalil.

Sinamaan lang sya ng tingin nong tatlong tahimik nakaupo sa tabi ni klare. Kalalaking tao takot sa babae eh. Pero sino naman kasing hindi matatakot kay klare, black belter since elem. Nanununtok ng lalaki kapag nababastos sya. One time nga nong may lalaking pumunta sa room namin, grade 5 kami non. Hinawakan lang sya sa kamay sinipa nya na sa kasiyahan ng lalaki. Kaya ang ending naguidance sya at ilang araw hindi nakapasok sa school dahil sa ginawa ni klare.

"Tumahimik na nga lang kayo. Nagugutom na ako, umorder na kayo." Masunget na sabi ni klare.

Silang apat ay tumayo. Natatakot siguro masampolan ng one kick.

"Anong gusto mo?" Napaangat ako ng tingin sa nakatayong si khalil.

"Kahit ano." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti sya sakin at tumingin kay klare para magtanong.

"Ikaw amazona?" Sinamaan sya ng tingin ni klare.

"Kahit ano. Bilisan nyo kasi nagugutom na ako, wala pa akong kain."

Magkasabi ni klare non nagsi alisan ang apat nagmamadaling umalis para bumili ng pagkain.

"Where's chloe? Bakit hindi natin sya kasama?" Kanina ko pa napapansin na wala si chloe. Himala kasi na hindi nila ito kasama.

" I don't know, nauna syang pumasok kanina eh. Baka may inasikaso."

"You didn't text her kung nasan sya?"

" kung gusto nyang sumabay, she probably here na sana. You her naman, maybe may kasama sya or what. Just do mind her."

Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi nya.

Habang naghihintay sa apat nilabas ko mona phone ko para manuod ng old videos ng exo. Hindi nakakasawang panuorin ang mga interview or guesting nila sa mga show. Nakakawala ng bad mood pag nakikita ko sila. Napapangiti ka nalang kahit wala ka sa mood pag pinapanuod mo sila.

"Btw, narinig mona ba na si Eric at Nathalie ay mag on na?"

Pinause ko mona yung pinapanuod ko at tumingin kay klare.

"Oo." Cool kung sabi.

Tinignan ako ni klare parang may hinahanap sa mata ko.

"What?" Nakataas kilay kong tanong

"Wow parang hindi 2years tinagal nyo ah. Parang wala nalang sainyong dalawa pero hindi naman kita masisi gago naman yung ex mo." Kibit balikat nyang sabi at nanunuod ulit sa phone nya.

Nang hindi nagsalita si klare pinagpatuloy kona ang panunuod ko.

Mga 30minutes din ng dumating ang apat. Tahimik lang kami kumain. Walang nagsasalita kasi ayaw na ayaw ni klare na kapag kumakain ay may nagsasalita.

Nang matapos kaming kumain naghiwalay hiwalay na kami. Ako at khalil ay magkasama ihahatid nya daw ako sa room namin. Nang nasa tapat na kami ng room ko tumigil ako at tumingin sakanya.

"Andito na ako, you can go now." Nakangiti kong sabi.

Magkahawak kamay kaming naglalakad kanina pero kahit nasa tapat na kami ng room ko, hindi nya pa din binitiwan ako kamay ko.

"Bilis naman. Can we go back there para masulit ko pa?" Nakapout nyang sabi.

Hindi ko ulit mapigilang pisilin ang pisngi nya kaya binitiwan ko mona ang kamay nya at inabot ang pisngi nya.

"Malalate na ako kung babalik ulit tayo. Magkikita pa naman tayo mamaya eh." Binitiwan kona pisngi nya.

Hinawakan nya ang pisngi nya at sinimangutan ako.

"Tss, Kj naman. Sige na pasok kana. Aalis ako kapag nakapasok kana." Nakasimangot nya pa ding sabi

Natatawa ako sa mukha nya kaya lumapit ako at tinagilid ang mukha parang bumulong.

"If you want, I can go to your house tomorrow to spend time with you." Umatras ako ng kunti para makita ang mukha nya.

Natatawa ako sa itsura nyang gulat. Ano na naman kayang iniisip nitong kamanyakan.

Halos mapahiga ako sa tawa ng bigla nyang pinagkrus ang kamay sa katawan at umatras ng kunti na akala mo may gagawin ako sakanya.

"Bata pa ako."

"gago, kung ano anong iniisip mo." Hinampas ko sya sa balikat habang natatawa.

"Malay ko ba sa iniisip mo." Tinaasan nya ako ng kilay at lumapit ng kunti sakin.

" ang ibig kong sabihin pwede tayong mag date sa bahay nyo. Pwede tayong mag jamming or sumayaw." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din sya sinabi ko at lalong lumapit sakin. Yinakap nya at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Hey." Tinapik ang balikat nya. Napatingin na samin halos ng dumadaan." Bitiwan mona ako nakatingin na silang lahat." Natatawang kung sabi.

Imbes na bumitaw lalo nyang hinigpitan ang yakap at kaya wala akong nagawa kong hindi hayaan sya. Umalis din sya ng dumating na ang teacher namin.

If looks could kill, baka nakahandusay na ako sa tingin ng mga babae na halos lumuwa ang mata ng makita ang halos namin kanina sa corridor ng room. Imbes na pansinin ang concentrate nalang ako sa ginawa kong essay para sa English subject namin. Nagmamadali din akong taposin to kasi sabi ni khalil sabay daw kaming uuwi mamaya.

Hindi na ako makapaghintay na makita sya ulit. Oh my god I'm addicted to his presence. Gusto ko laging nasa tabi ko sya.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now