CHAPTER 19

1.3K 14 0
                                    

Goodnight

Pagdating namin sa bahay nag paalam na ako sa parents ko na mauuna na akong umakyat para makapag half bath.

Pagkapasok ko sa kwarto nilapag kona ang mga gamit ko sa side table at kumuha na ng pang tulog sa closet ko. Nang makapili na ako pumasok na ako sa cr. Kalahating oras lang ako banyo at lumabas na agad.

Umupo ako sa harap ng salamin at binuksan ang dryer para makapagpatayo ng buhok. Nang matapos naglakad na ako papunta sa kama at kinuha ang cellphone sa side table.

Pag bukas ko palang ng phone ko, bumungad na sakin ang 20 unknown text pero alam ko kung kanino galing. Napapangiti nalang ako habang binabasa mga text nya.

"Hey."

"This is Khalil. Save my number. "

"Are you home?"

"Did you sleep already?"

"Text me if you read this." Ilan lang yan sa mga text nya.

Hindi kona binasa ang iba, nagreply nalang ako.

"We got home, katatapos ko lang mag half bath kaya ngayon lang ako nakatext." Nag type ako ng text at senend na sakanya.

Wala pang ilang segundo ng isend ko ang text ko nag ring na agad ang phone ko. Napangiti nalang ako. Dalawang ring at sinagot kona baka magtampo pa.

"Hello." Bati ko.

Hindi sya nagsasalita, naririnig ko lang ang ingay ng Aircon at hininga nya.

"Hello." Bati ko ulit.

"Hey." Pagod nyang sagot.

"Napatawag ka?"

"Nothin', namimiss ko lang boses mo."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya. Bolero, isang oras palang ng umalis kami sa bahay nila tapos namimiss na agad ako.

"Bolero, Kamusta party?"

"Fine pero boring kasi wala kana dito kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko para magkaroon tayo ng alone time." Mararamdaman mo sa boses nya yung pagod.

"Are you tired? You should sleep na." Napagod siguro to sa pag aayos ng mga bisita.

"A little bit but it's okay. Gusto pa kitang makausap at marinig ang boses mo. How 'bout you, are you tired?"

Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinasabi nya. Aatakihin ata ako sa puso sa mga sinasabi nya eh.

"Nah, kung inaantok kana you can sleep na. We will see each other naman in school eh."

"Nah, I'm fine. Don't worry about me. Btw, I add nyo in your Facebook."

Dahil sa sinabi nya cheneck ko ang Facebook ko at nakit ang pangalan nya sa friend request ko. Khalil Blake Santos add you in Facebook. Inaksep kona at cheneck mga Post nya. Nakita ko ang latest post nya na nakaholding hands at nagulat ako na kami yon. Kita ko kasi yung bracelet na bigay sakin ni mommy.

"Why did you post it?" Gulat kong tanong

"Is it, bawal?" Konyo nyang tanong.

Kalalaking tao pero mas konyo pa sakin.

"Hindi naman pero...... hindi ka ba natatakot na maubosan ka ng babae?"

"Wala akong ibang babae." May diin nyang sabi.

Tumawa na ako kasi alam kong badtrip na naman sya sakin. Naiimagine ko na naman ang mukha nyang nakapout na akala mo bata na hindi napagbigyan sa gusto. Napapangiti nalang ako sa naiisip ko.

THE POSSESSIVE MANWhere stories live. Discover now