CHAPTER 25

1.4K 17 3
                                    

Napadilat ako ng mata ng maramdaman kong may tumabi sakin sa kama. Binuksan ko ang lampshade ko at cheneck ang oras sa phone ko.

12:30am ang pa ah. Lumingon ako sa tabi ko at nakita ko si nathalie na nakahiga. The heck she's doing here.

Umupo mona ako sa kama at tinignan syang nakahiga sa kama ko.

"Anong trip mo?" Nakataas kilay kong tanong habang na Cross arm.

"Wala." Walang gana nyang sabi habang nakatingin lang sya sa ceiling ng kwarto ko.

"Wala? Angas ng trip mo ah, pumasok ka sa kwarto ko ng madaling araw. May balak ka bang patayin ako?"

"Maybe."

Tamo tong siraulong to.

"Come again?" Nakataas na kilay na tanong ko

"Manahimik kana nga lang. Inaantok na ako." Pumikit sya at tumagilid ng higa sa kama.

Aba! Angas ng trip nito ah. May sarili namang kwarto pero dito nakikitulog.

"May kwarto ka naman, at pagkakaalam ko parehas na kumukulo ang dugo natin sa isa't isa so anong trip mo bakit dito ka matutulog?"

Humarap sya sakin habang nakahiga pa din sa kama ko.

"Manahimik ka nalang, nakakairita ka kapag nagsasalita ka eh. Let me sleep peacefully. " sabi nya at tumagilid ulit ng higa.

Hinila nya pa ang kumot ko at tinakip ko sa buong katawan nya. Umirap lang ako sa kawalan at hinayaan nalang syang matulog sa kama ko.

Pinatay kona ang lampshade at bumalik sa tulog. Nakatulog din naman agad paghiga ko.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, papikit pikit kong kinapa ang cellphone ko para patayin ang alarm non.

"Turn off that thing, inaantok pa ako." Sigaw nya.

Anaknang andito pa din pala ito, akala ko naman umalis na.

Pinatay kona ang phone ko at nakapikit na umupo sa kama ko. Nilingon ko yung katabi ko, nakadapa syang natutulog.

"Wala ka pa bang balak bumangon?"

"Shut up, inaantok pa ako."

Lah! Lakas ng trip nito ah. Wala na akong nagawa kong hindi hayaan sa kama kong matulog, pumasok na ako sa closet ko at kumuha ng uniform ko. Nang makakuha pumasok na ako sa cr para maligo. Nakipagtitigan mona ako sa mga gamit sa cr ng 10mins bago mag umpisang maligo.

Nang matapos ako ay sa loob na din ng cr ako nagbihis. Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako at nadatnan ko pa din si nathalie na nakahiga sa kama ko. Lumapit lang ako sa side table at lumabas ng kwarto. Dahan dahan ko lang sinarado para hindi sya mabulabog sa pagtulog.

Pagbaba ko hindi ko nadatnan sila mommy at daddy sa hapag kainan kaya tinanong ko si yaya kong nasan sila.

"Umalis na po, ma'am. May importanteng aasikasohin daw."

Tumango lang ako at sinumulan ng kumuha ng pagkain. Hotdog, itlog at fried rice ang nasa hapag. Nakita kong naupo si nathalie sa tapat ng upuan ko, hindi pa din naliligo kasi gulo-gulo pa ang buhok.

"Wala kang balak pumasok?" Tanong ko pero sa pagkain pa din ang tingin.

"Katamad. " simple nyang sagot

Nag angat ako ng tingin sakanya at nakita kong kumukuha na din sya ng pagkain.

" Anong trip mo?" Tumigil mona ako sa pagkain at tinuon sakanya ang tingin.

Bumaling sya sakin at binaba ang kubyertos sa plato nya. Sumandal sya sa upuan nya at pinag Cross ang kamay.

"Wala, ikaw kailan ka mananahimik? Nakakairita kasi boses mo eh." Nakataas kilay nitong sabi.

THE POSSESSIVE MANTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang