CHAPTER 18

1.4K 16 0
                                    

Ligaw

Nang makabawi na ako lakas tatayo sana ako para makaalis sa kandungan nya pero pinigilan nya ako at lalo pang yinakap.

"Stay still, baby." Malambing nyang sabi

"Baka may makakita satin." Ngayon ko lang naisip to pero kanina hindi kona naisip na ba ka may makakita sa ginagawa namin kanina.

"Just stay still, baby. I need to calm down."

Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko kaya wala akong nagawa kong hindi manili sa kandungan nya.

Ano ba yong nagawa namin? hindi naman kami pero ang bilis kong bumigay pero nong kami ni Eric hanggang halik lang. Iba ang epekto kapag hinahalikan nya ako nawawala ako sa sarili ko at nakakalimutan ko kung sino ako.

Ilang minuto kaming ganon ang ayos namin, nakasiksik sya sa leeg ko habang nilalaro ko naman ang buhok nya.

"Can I court you?"

Natigil ako sa paglalaro ng buhok nya sa sinabi nya. Hindi ko alam paano mag rereact. Matagal bago ako nakasagot  sa tanong nya kaya nilayo nya ang mukha nya sa leeg ko at tinignan ako sa mata. Yung mga mata nya naghihintay ng sagot.

"I..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"No pressure, kahit wag ka monang sumagot." Nakatingin pa din sya sa mukha ko pero ang isang kamay ay nakahawak na sa mukha ko.

Napapapikit ako sa rahan ng mga haplos nya. Nararamdaman ko na safe ako kapag sya kasama ko.

"You can." Nakapikit kong sabi.

Naramdaman kong tumigil sya sa paghalos sa mukha ko sa sinabi ko.

"You......can? What do you mean about that?"

Wala na akong nagawa kong hindi dumilat at tumingin sa mata nya. Nginitian ko sya at tinangoan.

"You can........court me."

Nakita kong pumula ang mukha nya at yung ngiti nya sobrang laki. Nagulat akong kinuha nya yung isang kamay ko at nilagay sa bibig nya para mahalikan. Nakatingin sya sakin habang hinalikan ang kamay ko.

"Thank you. You don't how happy i am right now." Hindi maalis ang ngiti sa mukha nya at ganon din ako.

Iba yung pakiramdam ng si Eric yung pinayagan ko nong manligaw sakin, yung nararamdaman ko kay khalil kakaiba. Hindi ko malaman kong kailan nag simula pero nagugustuhan kona sya. Alam kong sobrang bilis kasi kagagaling ko lang sa masaklap na break up baka isipin nila na ginagamit ko lang sya para makalimot pero alam kong hindi kasi nararamdaman kong mas higit pa yung pagkagusto ko sakanya kaysa kay Eric.

"Balik na tayo don. Baka hinahanap na ako ng parents ko at ikaw naman baka hinahanap kana ng mga kaibigan mo." Nakangiti kong sabi.

Lumabi sya at sumiksik ulit sa leeg ko na parang bata.

"Can we stay like this? Gusto pa kitang kasama eh." Hinigpitan pa lalo ang yakap nya sakin.

Pinalo ko sya sa balikat pero mahina lang. Natatawa ako sa inaasta nya para syang bata. Ngayon ko lang nakita ang side nyang ganito. Iba talaga kapag badboy ang nainlove hay.

"Para kang bata. Tatayo na ako." Inaalis ko yung pagkakayakap nya sa balikat ko pero kapag naalis ko ang isa binabalik nya din naman."Khali, bitiwan mona ako. Baka hinahanap na ako ng parents ko." Natatawang sabi ko.

Wala syang nagawa kung hindi bitiwan ako at tinignan habang umaalis sa kandungan nya. Nakita kong nakapout pa din sya. Hindi maalis ang ngiti ko sa itsura nya. Yumuko ako at hinawakan ang makabilang pisngi nya, hinalikan ko sya pero smack lang. Nagulat sya sa ginawa ko pero ng makabawi ngumiti sya.

Ano ba to, wala pa nga kami pero may pa ganito na. Paano pa kaya kapag kami na. Kinikilig ako kapag iniisip kong magiging boyfriend ko kaya hindi maalis ang ngiti ko kahit naglalakad na kami papasok ng bahay nila.

Nakangiti akong tumingin sakanya habang naglalakad kami pero ang tukmol ang sama ng tingin sa harap. Kanina kasi pinipilit nyang hawakan ang kamay ko pero inaalis ko lang baka kasi may makakita. Natatawa ako sa itsura nya na parang may kasalanan yung dinadaan nya.

Tinapik ko sya sa balikat kaya napatingin sya sakin. Masama ang tingin. Ngitian ko lang sya at tumingin na ulit sa daan. Nakasalubong namin ang parents ko mukhang nag papaalam ng aalis kaya lumapit kaming dalawa.

"Mom, dad." Lumapit ako sa parents ko at humalik sa dalawa." Uuwi na po tayo?" Bumaling ako kay tita grace at bumati. Nginitian lang nya ako. Nasa tabi nya si khalil na masama ang tingin sakin.

"Yes, baby. Btw hinahanap ka namin sa pool area kanina pero wala ka don, saan ka nagpunta?" Tanong ni mommy

"Nag pahangin lang sa, mi."

" Oh kaya pala, sige na mag paalam kana kay klare para makaalis na tayo."

"Sige, mi." Tumingin ako kay khalil at ganon pa din ang tingin nya sakin. Kinindat ko sya ng palihim, lalo lang kumunot ang noo nya.

Iniwan kona sila doon na nag uusap at naglakad na ako papunta pool area pero may naramdaman nalang akong humawak sa kamay ko kaya napalingoan ako sa kamay ko. Aalisin ko na sana pero ng nilingon ko kung sino ay si khalil na nakabusangot pa din.

Napangiti nalang ako at hinayaan sya sa gusto nya kasi madilim naman at para matigil na sa busangot. Inalis ko lang to ng malapit na kami sa pool area kaya masama ulit ang tingin nya sakin.

" baka makita ng kapatid mo." Nakangiti kong bulong sakanya.

" ano naman ngayon?" Tinaasan nya ako ng kulay.

Sungit naman nito.

Huminto ako sa paglalakad at ganon din sya. Hinarap ko sya at hinawakan sa pisngi.

"Ngumiti kana pumapangit kapag ganyan ang itsura mo."

Tinaasan nya lang ako ng kulay kaya natawa ako sa inasta nya. Akala mo bata kung magtampo. Wala na akong nagawa kong hindi hawakan ang kamay nya at naglakad na kami palapit kay klare.

Halos ng madadaanan namin nakatingin sa magkahawak naming kamay pero hinayaan ko nalang kasi nakita ko naman hindi na matigil sa pagngiti itong katabi ko. Nang makalapit na kami kay klare ay napatingin ito sa magkahawak kamay namin ng kapatid nya. Ngitian ko sya at sya naman tinaasan ako ng kilay. Magkapatid nga kayong dalawa.

"What......is the meaning of this?" Tanong nya habang nakataas pa din ang kilay.

Sasagot na sana ako pero naunahan na ako ni khalil.

"I'm courting her." Proud nyang sabi.

" at may pa ganyan na?" Kinuha ni klare ang kamay naming magkahawak kamay at tinaas.

"So? Bawal ba?"

Magkambal nga kayo, parehas mataray. Natatawa nalang ako sa tinginan nila.

"Oo." Tinanggal ni klare ang magkahawak kamay naming  kamay ay hinala ako palapit sakanya." Kasi wala pang kayo."

Tinignan ni khalil ng masama ang kapatid nito sa ginawang pag alis ng mga kamay namin. Kahit natutuwa ako sa pag aaway nila inawat kona baka magkatotohanan pa.

"Tumigil na kayo." Humarap ako klare."btw nandito ako para mag paalam, may trabaho pa sila mommy bukas kaya kailangan na naming umalis."

Sumimangot ang mukha nito kaya natawa ako.

"Can you stay naman sa room ko eh. I tell tito and tita na dito kana matulog."

"Gusto ko din yan pero I can't may tataposin pa ako. Babawi ako sayo bukas."

Wala syang nagawa kong hindi pumayag. Nagbeso ako sakanya at yumakap na. Sabay kaming umalis ni khalil sa pool areas. Sinabihan ko syang wag na akong ihatid sa labas pero mapilit kaya hinayaan ko nalang.

Hinintay nya kaming makaalis bago sya pumasok sa bahay nila. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Hindi pa din ako makapaniwalang liligawan ako ng isang Khalil Blake Santos na kilala bilang playboy.

THE POSSESSIVE MANOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz