CHAPTER 5

2.7K 22 2
                                    

𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐕𝐄𝐑

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Where am i? Pinilit kong bumangon kahit masakit ang ulo ko pero pag bangon ko biglang nalang umikot ang paningin ko.

" Ahh, Hindi na ako iinom kong ganito pala kasakit kapag nalalasing." Nakapikit lang ako habang nakahawak sa ulo kong parang pinipiga sa sobrang sakit.

Where the fuck am i? Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may masakit ba pero ang ulo lang ang masakit. Tinignan ko ang suot kong damit. Paano ako nakapag palit? nasaan ba talaga ako? Wala akong maalala sa nangyare sa sobrang kalasingan ko basta ang natatandaan ko umiinom ako ng alak sa club at may tumabi saking lalaki. Lalaki? Hindi ko maalala ang mukha nya kasi blurred.

Nabalik lang ako sa realidad ng may pumihit ng pinto pa bukas. Pinigil ko ang paghinga para makita kong sino ang taong kasama ko at nagulat ako ng bumangad ang kapatid chloe. Nakasuot ng puting damit at short. May hawak syang tray sisigaw na sana ako ng may pumasok ulit at si Klare pala.

"Gising kana pala." Lumapit sya sakin at naupo sa kama.

"Paano ako napunta dito?" tingin ko sakanila.

nakatuyo lang sa harap ko ang lalaking kapatid nya habang hawak hawak ang tray.

" Nakita ka ni khalil sa club na walang malay at lasing na lasing kaya dinala kanya sa condo ko para dito matulog. Tinawagan kona ang parents mo to tell them na nandito ka para hindi na sila mag-alala." nakangiti saad nito.

tinignan ko ang kapatid nyang nakangiti sakanya. Akala ko naman panay kabalastugan lang alam nito pero mabait naman pala.

" Salamat."

Ngumiti ito saakin at inabot kay klare ang hawak nitong tray na naglalaman ng sopas. Mainit init pa kasi umuusok pa ito.

" walang anuman. Sige alis na ako. May pasok pa ako." tinanguan nya ang kapatid nya at tumingin sakanya.

" eat that, ako nagluto nyan pang pawala ng hang over." ngumiti ito at naglakad palabas ng kwarto.

" Eat this, masarap magluto yung tukmol na yon. Mabait yun kahit matinik sa babae." nginitian sya ni klare.

Inabot nya ang sopas at tinikman. Masarap nga, akala ko walang alam ang lalaking yon.

"Btw, your boyfriend eric call asking where are you. Sinabi ko sakanya nandito ka sa condo ko so probably baka mamaya andito na yon. Nakailang tawag na daw sya sayo kagabi pero hindi mo daw sinasagot. I told him na your fine at nandito ka sa condo ko para hindi na sya mag-alala."

my boyfriend? i don't have nong niloko nya ako. Akala ko kapag uminom ka makakalimutan mona lahat at mawawala yung sakit pero pang samantala lang pala kasi bumabalik ulit eh.

"What did really happened? if you don't mind me asking you. I know na hindi ka umiinom. You've been friends for how many years at ngayon lang kitang nakitang lasing na lasing." klare ask.

Handa ba akong pag-usapan pero kong kikimkimin ko lang at walang pag sasabihan baka mabaliw na ako sa sakit.

" Eric and Nathalie had s-sex. I saw them in our house doing it. I c-can't i-imagine it. My boyfriend and my sister betraying me." i was sobbing kasi sa tuwing naalala ko yun nandidiri ako sakanila.

humarap ako sakanya at umiiyak na nagkwekwento.

" Hindi naman na ako magtataka kay Nathalie kasi everything that i have eh gusto nya. Pe-pero a-akala ko kasi i-iba si eric eh."

iyak na ako ng iyak sobrang sakit. Sa lahat ng tao bakit si nathalie pa at bakit nagawa ito ni eric sakin. Akala ko ba mahal nya ako.

Naramdaman ko nalang yung yakap ni klare kaya lalo akong naiyak. Humagulgol ako sa bisig niya akala mo batang nawalan ng pagkain pero sana ganon nalang para madaling mawala yung sakit pero hindi eh.

" Everything happened for a reason. Nasasaktan ka ngayon kasi sobra mo syang minahal at pinagkatiwalaan to point nakalimutan mona ang sarili mo. Sa sobrang pagmamahal mo kaya sobra ka ding nasasaktan. Shhh, tahan na." hinagod nya ang likod ko

" i was hoping na sana panaginip lang yun na kapag uminom ako mawawala at makakalimutan ko yung nakita ko. Pero bumabalik lang paggising ko eh. Am i not enough? panget ba ako? Kaya nagawa nya akong lokohin?" Tinatanong ko ang sarili ko hindi ba ako sapat kaya niloko nya ako? may kulang ba sakin? Hindi ko ba sya napapasaya? To do point na pati existence ko kinikwestyon kona.

"Your enough. Walang kulang sayo, sya ang kulang sa pag iisip. Sa ganda at talino mo halos lahat ng lalaki luluhod sa harap mo para mapansin mo lang."

"pe-pero ba-bakit nya parin ako niloko?" iyak pa din ako ng iyak sa bisig nya

" stop questioning yourself. Tanongin mo sya kahit masaktan ka. Endure the pain hanggang sa mamanhid na."

yakap yakap pa din nya ako. Ang alak ay panandaliang gamot sa sakit at pag kalimot pero pag nahimasmasan kana babalik at babalik parin yung sakit na naramdaman mo. Natigil lang ako sa pag iyak ng may nag doorbell.

" I think is Eric." Kumalas sya sa pagka yakap sakin at tinignan ako sa mata." you want me to open it para makapag usap kayo?"

Kung hindi ko sya tatanongin ngayon, kailan pa? I need explanation kahit masakit tatanggapin ko pero buo na ang desisyon ko. Hindi kona sya babalikan kahit ano mang sabihin nya. Tama na yung isang beses na niloko nya ako, i know my worth.

Tumango ako bilang pag sang-ayon.

" Okay, patuloyin ko ba sya dito o sa sala na?" Tumayo na sya.

" Sa sala nalang. Mag aayos lang ako tapos baba na." ngumiti sya sakin at naglakad palabas ng kwarto.

I need to fix myself. I need to look strong and independent. Ilang minuto din at lumabas na ako. Nakita ko si eric nakaupo sa sofa lalapit na sana sya sakin ng umatras ako napansin nya yun kaya tumigil sya sa paglapit.

" I just go to my room, feel at home." Naglakad na si klare at paakyat sa kwarto nya.

THE POSSESSIVE MANحيث تعيش القصص. اكتشف الآن