Chapter 3 ~ CLUMPSY

2K 39 1
                                    

•YSABELA MONTEVERDE' s P.O.V•

Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin.

Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Chu na yun.

Shit....Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako..

Involved si Mr. Chu sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang mga Yakuza. At sa Casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO.

Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon.

Pitong  buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng Trial and Justice Secret Organization or (TAJSO). Kasama ko ang aking kakambal na si Daniela.  Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon.

Ang mga magulang namin ay myembro din ng isang undercover organization pero nagretero na si Mommy dahil ayaw na ni Daddy na pumasok pa siya sa delikadong trabaho.

Mas pinili ni Daddy na itira si Mommy sa hacienda namin sa Batangas  dahil doon ay tahimik.

Si Daddy naman ay nanatiling consultant ng TAJSO at siya din ang nag-recommend sa amin kaya kami pinili ng organization.

Nalagpasan namin ang apat buwan na training. Hindi lang ako, pati narin ng mga kaibigan ko na sina Kharina, Mhara at Emma na anak ni Tita  Sofia at Tito Andrija. Mga kaibigan sila ni Daddy at Mommy.

Hindi ko alam kung nasaan na ako....

Pero may pakiramdam akong wala ako sa hospital.

Iba ang amoy ng kwarto na ito at malambot din ang kama na hinihigaan ko.

Holy fuck!

Bigla kong naalala ang lalaking nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa likuran ko.

Hindi ako maaring magkamali....

Ang lalaking nagligtas sa akin kanina!

Siya ang lalaking nasa auction!

Yung Gwapong Lalaking Malaki ang Umbok!

pero bakit niya kaya ako niligtas?

Wag niyang sabihin na sisingilin niya ako ng one hundred million?

Kahit ibenta ko ang Aqua de Monteverde  private island na minana ni Daddy ay hindi siguro yun aabot sa ganun kalaking halaga.

Ano ang gagawin ko?!

Okay naman siya Dramon, kailangan lang niyang magpahinga. Mabuti na lamang at napasalinan kaagad namin siya ng dugo tumagos ang bala sa tagiliran niya kaya maraming blood ang nawala sa kanya. Kakaiba ang babaeng ‘to. Kahit malala ang naging tama niya ay normal pa din ang vitals niya. Tawagin mo na lamang ako kapag gising na siya.”

Narinig kong sabi nang isa pang boses. Sa tingin ko siya ang gumamot sa akin.

Maya-maya ay naramdaman ko nang wala ng ibang tao sa kwarto dahil narinig ko ang pagsara ng pinto.

Pero napakuyom ako ng kamay ng maramdaman ko ang presensya ng umupo sa tabi ko.

mumulat ba ako??

Hindi ko alam kung ididilat ko ang mata ko o papakiramdaman ko ang mangyayari.

Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin dahil kung meron man ay hindi na sana niya ako pinagamot.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mainit niyang haplos sa aking pisngi.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now