CHAPTER 30 ~ SUITOR

1K 21 0
                                    


•YSABELA's P.O.V•

Oh, bakit parang kasing haba ng ilong ni Pinocchio yang nguso mo? Kanina lang ang saya mo ah?” Nagtatakang tanong ni Daniela nang masalubong niya ako pagbaba ko ng hagdan.

Wala, disappointed lang ako. Nagpaganda pa naman ako bago pumasok sa kuwarto niya pero hindi ko nararamdaman na namimiss niya ako. Isa pa sa tingin ko may gumugulo sa isip niya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.

Baka naman dahil kay Lucianang Baliw.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko naman na inaalala niya ng husto ang tungkol sa babaeng yun eh.

Kaya nga lalo akong naiinis kasi imbis na ako lang dapat ang laman ng isip niya may kahati pa akong babae na hindi ko parin alam kung ano ang itsura.

Daniela, pagbalik mo ng Manila puwede mo ba akong ihingi ng tulong kay Marlon ? Diba Mafia din yun? Baka may alam siya na maaring makapagbigay sa amin ng impormasyon tungkol kay Luciana.”

Halatang napa-isip siya sa sinabi ko.
Highschool palang sila na magkaibigan na sila ni Marlon, At alam din ni Marlon lahat ng Kalokohang ginagawa nya pero ang alam ko matagal ng may gusto ang lalaking yun kay Daniela.

Nagwork naman ang Relationship nila kaso bukod dun wala na akong alam.

Susubukan ko na kontakin siya. Halos isang buwan na din kaming walang contact nun,pero babalitaan kita kaagad kapag nakakuha ako ng impormasyon tungkol sa babaeng yun. Pero mangako ka sa akin na hindi ka gagawa ng bagay na ikakapahamak mo Ysabela.” Paalala niya.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Alam ko... salamat dahil nandito kayo para sa akin. Mas mahalaga sa akin na ma-protektahan ang magiging anak namin ni Mikhail kaya hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko. Kailangan ko lang ng impormasyon para malaman kung saan namin siya mahahanap nang sa ganun hindi kami nag-alala sa kaligtasan naming lahat. Nararamdaman ko kasi na natatakot din si Mikhail, Sa tingin ko hindi ordinaryong kalaban ang babaeng yun.” Seryosong sabi ko sa kanya.

Wag kang mag-alala tutulong kami ni Daniel.” Sambit niya na ikinangiti ko.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay hinanap ko naman si Bob.

Natagpuan ko siyang nagbubuhat ng mga tuyong sanga ng puno. At ipinapatas sa likuran ng bahay.

Anong meron?”

Napalingon siya sa akin at ngumiti.

Ms. Ysabela, ikaw pala.” Nakangiting wika niya pagkatapos niyang ibaba ang mga kahoy.

ito o,  lighter!”

Napadako ang tingin ko sa kasunod niyang si Jenny pero nabura ang ngiti niya sa labi nang makita niya ako.

Anong gagawin niyo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Magbo-bonfire tayo mamaya. Nagpabili na ako ng mga karne at alak para mamayang gabi. Celebration kasi nakaligtas si Dramon .” Sagot niya sa akin.

Mag-iinuman kayo? Paano naman ako?”

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Mikhail, Akala ko kasi nasa itaas pa rin ito pero ngayon.

Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at itim na jogging pants.

Bakit ka bumaba? Hindi ka pa magaling diba?”

Hinila niya ako sa beywang at napahawak ako sa kanyang magkabilang balikat.

Makita lang kita, wala na akong nararamdaman na sakit.” Nakangiting sabi niya sa akin.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now