CHAPTER 47 - DRY HUMPING ⚠️

1.1K 22 3
                                    

•YSABELA's P.O.V•

Tumawid ako sa tulay na inilagay nila upang makatawid kay Mikhail. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.

“Natapos din ang lahat.” Mahinang sambit ni Mikhail habang yakap niya ako.

Hindi pa tapos Mikhail kailangan muna nating matangal ang bombang inilagay ni Luciana diyan sa katawan mo.”

Hinaplos ni Mikhail ang buhok ko.

“I know, pero hindi na ako nag-alala sa bomba mas inalala kita kanina. Alam mo bang para akong a-atakihin habang nakatingin lang sa inyong dalawa? Bakit ba kasi ayaw mong tulungan kita sa baliw na babaeng yun? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw ang nahulog? Tignan mo ang nangyari sa’yo.” Paninisi nito sa kanya habang hinahaplos ang duguan niyang labi.

Dahil laban namin yun ni Luciana. Marami siyang atraso sa sayo lalo na sa akin. Kaya nararapat lang na ako ang tumapos sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng harapan alam kong ngayon lamang siya nakatagpo ng katapat kaya ginamit niya ang huli niyang baraha. And I was satisfied fighting with her. Karapat-dapat nga siyang tawaging mafia queen dahil bukod sa kasamaang taglay niya. Nakaya niyang tapatan ang mga atake ko kanina. Ang labis na galit at emosyon niya ang nagpatalo sa kanya. At hindi ako nawalan ng tiwala sa sarili ko dahil alam ko ang kakayahan ko. Kaya wala kang dapat ipag-ala–”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kabigin niya ako at halikan sa labi.

Ramdam ko ang pananabik niya na kahit may mga tao sa paligid namin na kanina pa tumitikhim ay hindi man lang niya nagawang pansinin.

EHEM!”

Napilitan akong itulak si Mikhail dahil nakakahiya na sa mga kasama namin. Hangang sa nakita namin si Lucy na paparating kasama ang ilan pang kasapi ng TAJSO.

Bitbit din niya ang anak namin. Kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at kinuha si Baby Mikmik.

“Wala na si Luciana?” Tanong ni Angela.

Tumango ako sa kanya at nagpunta silang lahat sa kinaroroonan ni Luciana.

May mga police na din na kumukuha ng larawan at nag-iimbestiga.

Niyakap at hinalikan kong muli ang anak namin. Halos isang araw pa lamang na hindi kami nagkikita ng anak ko sobra na ang pangungulila ko sa kanya.

Muntik na akong mabaliw nang kunin ni Luciana ang anak ko. Kaya simula ngayon aalagaan ko na siya. At hindi na rin ako magtitiwala sa kahit kanino.

Kamukhang-kamukha ko talaga ang anak natin.” Nangingilid ang luhang sabi ni Mikhail.

Gusto mo ba siyang buhatin?”

Tumango siya kaya inabot ko sa bisig niya ang anak namin.

I’m sorry kung wala ako sa tabi mo noong mga oras na kailangan mo ako… Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko noong mga oras na nasa poder ako ni Luciana. Nakaupo buong araw sa wheelchair at nagpapagangap na wala sa sarili. Kung alam mo lang kung gaano ko gusto tumakas noong nasa Switzerland pa ako para makauwi dito. Pero hindi ko ginawa dahil mas gusto kong bumalik sa’yo ng ligtas. Dahil alam kong hindi ko kakayanin na kalabanin si Luciana.”

Ramdam ko ang hirap at panghihinayang na pinagdaanan niya sa kamay ng babaeng yun.

Ngunit hindi na yun mahalaga para sa akin.

Dahil ngayon na magkasama na kami ulit alam naming wala ng ibang makakahadlang sa aming dalawa.

hindi pa huli ang lahat para bumawi, Mikhail.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now