CHAPTER 39 ~ THE TRUTH

792 21 0
                                    

•MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan...

Sa isang linggo na ako lilipat sa Manila...

Hindi pumayag si Ysabel na lumipat sa kanyang mga magulang dahil ayaw daw niyang malayo sa akin.

Limang beses sa isang linggo siyang dumadalaw sa akin. At hindi siya napapagod.

Hindi na rin namin napa-DNA ang bangkay ni Luciana na napatay ko dahil wala din naman kaming Original DNA niya.

Sa paglipas ng mga araw ay lalo lamang akong naiinip dito at gusto ko na ring makalaya.

Gusto ko ng makasama ang mag-ina ko ngunit malabo parin sa ngayon dahil tumatakbo pa ulit ang kaso ko.

Velasquez! May dalaw ka!”

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang pagtawag sa akin.

Kaagad kong inayos ang aking sarili. Dahil alam kong magkikita na naman kami ng asawa ko.

miss na miss ko na siya...

Naligo na rin ako kanina dahil hindi kaaya-aya ang amoy ng kulungan.

syempre gusto ko ako parin ang pinaka-guwapo sa kanyang paningin.

Ang suwerte mo talaga sa asawa mo. Walang palya kung dumalaw dito.” Narinig kong sabi ni Berto.

Kasamahan ko siya dito sa loob at may kasong Illegal use of  drugs.

At ang ganda pa kahit buntis,.” Segunda naman ni Buknoy kasamahan ko din sa loob ng selda na may kasong pagnanakaw.

Sila ang nakakausap ko dito sa loob. At walang pamilya na dumadalaw sa kanila dito.

Yeah...Ma-suwerte talaga ako sa kanya. Kaya pagkalaya niyo humanap kayo ng babaeng gaya niya.” Proud na sabi ko sa kanila.

Naku! Mahirap yan! nakakatakot balita ko yung sinuntok niyang police na kasamang nambugbog sayo nalagasan ng dalawang ngipin sa unahan kaya bungal na siya ngayon.” Nagtawanan silang dalawa.

"Hahahahah! Sinabi mo pa pareng berto, Kaya kung ako sayo Boss Dramon. Di nako mangbababae." Sabi muli ni Buknoy at nagtawanan ulit kami.

Naiiling na lumabas ako ng selda pagkatapos kong magsuklay ng buhok at magpaligo ng pabango.

Wala na rin ang tatlong police na bumugbog sa akin kaya naghilom na ulit ang mga sugat ko.

Araw-araw kang gumaganda sa paningin ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang halikan sa labi.

Thank you, Next week na ang check-up ko. Malalaman ko na ang gender ng anak natin.” Malungkot na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko ang malaki na niyang tiyan.

Sinong kasama mo?”

Si Ivana, pero sa tingin ko sasama din di Doc. David.” Sagot niya.

Naging tahimik kami nitong dalawang buwan kaya hindi na rin siya sinasamahan ni Bobby dahil abala ito sa pinapaasikaso kong negosyo.

Sila na ba ni Doc. David?” Usisa ko na ikinatango niya.

Hmmmm...Siguro madalas ko kasing nahuhuli na naghaharutan yung dalawang yun. Kaya nga lalo kitang namimiss Mikhail…”

I’m sorry kung wala ako sa tabi mo Ysabel. Pangako, kapag nakalaya ako…babawi ako sa pagkukulang ko sa’yo.”

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now