Chapter 6 ~ FIRST KISS

1.9K 33 0
                                    

A/N: YIIEEEE..SO MUCH APPRICIATED DAHIL BINABASA MO ANG STORY KONG ITO. AYAN BINIGYAN NA KITA NG MUKHA NI YSABELA HA? PLS VOTE, SHARE.ILY



•MIKHAIL DRAMON's P.O.V•

Kakarating ko lang sa mansyon dahil may inayos akong negosyo sa Manila.

Hindi na ako nakapagsabi kay Ysabel dahil urgent ang naging meeting ko sa isa sa mga negosyong balak kong pagtuunan ng pansin kapag tinalikuran ko na ang lahat ng mga illegal kong negosyo.

Dumaan din ako sa dangwa upang bumili ng maraming rosas dahil yun daw ang gustong bulaklak ng mga babae. Kaya pinakyaw ko na ang lahat ng variety na nakita ko sa tatlong tindahan. Sapat na siguro ang mga yun para magustuhan ni Ysabel.

Nahirapan pa nga ang mga tauhan kong pagkasyahin sa loob ng chopper ang mga bulaklak sa dami.

Ginabi na ako at sabik na rin akong makita siya. Kaya pagkababa ko ay nagmadali na akong magtungo sa kuwarto ni Ysabel.

Nang buksan ko ang pinto niya ay narinig ko siyang umuungol kaya nagmadali akong lumapit sa kanya.

" Ysabel ? Ysabel!!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan ko siyang niyugyog. Sa tingin ko ay binabangungot siya.

"W-wag...wag mo akong patayin!" Sigaw niya na ikinataranta ko.

" Ysabel ! Ysabel!"

Hinila ko siya at niyakap habang tinatapik parin ang likuran niya.

"Huwag! please....!"

Nagmulat siya ng mata niya ngunit bigla din siyang nawalan ng malay.

"Bobby!"

Malakas na tawag ko at kaagad naman itong pumasok sa kwarto.

"What happen?" Nagtatakang tanong niya nang madatnan niya kaming nasa ganung kalagayan.

"Tawagin mo si David ngayon na!"

Nagmadali siyang lumabas ng kwarto.

Kalong ko ang walang malay at ang mainit na katawan ni Ysabel.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Doc. David at kaagad niyang tinignan ang lagay ni Ysabela.

Hindi ako mapalagay.

Pabalik-balik na ako sa paglakad sa loob ng kwarto habang tinitignan siya.

Kinakabakahan ako sa nangyari.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay ko.

"Wag kang mag-alala, nahimatay lang siya tinurukan ko siya ng anti-tetano kanina dahil baka ma-infection ang sugat niya." Paliwanag niya sa akin.

"Infection? Bakit maiinit siya? Hindi normal ang temperature niya. At bina-bangungot siya kanina! Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Kalma ka lang Dramon, side effect ng gamot na tinurok ko sa kanya kung bakit siya nahimatay. Mild fever lang din kaya mataas ang temperature niya. Wala kang dapat ipag-alala."

Lumapit ako kay Ysabel at naupo ako sa gilid ng kama.

"Magigising din siya maya-maya. Mabuti pa lagyan mo na lang siya ng malamig na bimpo para bumaba ang temperature niya." Suhestion niya sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya.

Pagkalabas ni David ay pinakuha ko kay Bob ang mga kailangan ko.

Kung alam ko lang na dadatnan ko siyang ganun kanina hindi na sana ako umalis pa. At si Bob na lang sana ang pinapunta ko.

My Possesive Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now